Tuesday, August 7, 2012

Vanilla Lace 14



“This is my best time of my life... so far” – Homer Simpson

Minahal ko siya, yun nga lang di ko alam kung minahal nya nga ba ako dahil hanggang ngayon isang malaking palaisipan pa rin kung bakit pa rin naming to ginagawa sa isa’t isa.

Minsan na akong nagtrabaho bilang isang guro sa isang paaralan, Masaya ang buhay ko dun dahil mahal ko ang eskwelahan. Simple at alam mong may napupuntahan ang lahat ng pinagaralaln mo depende nalang kung paano mo ito ibabahagi sa iba. Siya ay isang college student, varsity ng volleyball, simple pero kilala sa eskwelahan nila dahil na rin sa magaling ito maglaro. Nagkakilala kami dahil ako ang guro nya sa isang subject. Di ko siya pansin ng una dahil na rin sa busy akong tao at napakarami ng estudyante.

Minsan akong pumasok gamit ang pabango kong Victoria Secret – Vanilla Lace at agad itong napuna ng iba dahil na rin sa amoy nitong napakatamis at masarap langhapin. Sa araw araw lagi ko tong ginagamit kaya alam na ng mga estudyante ko na malapit na ako pag naamoy na nila ang pabango kong ito. Minsan naka tnaggap ako ng mensahe sa di kilalang tao. Sabi pa niya “Ang bango mo lagi” na ikinagulat ko pero di ko pinansin. Dahil ayaw naman magpakilala. Hanggang sa may nagtext sa akin kinabukasan na isang numero ulit na nagtatanong kung ano daw ba yung assignment na ibinigay ko... itinanong ko kung sino siya at agad naman nyang sinabi na siya yung Volleyball player na estudyante ko. At dun nagsimula ang lahat.

Lagi na nya akong sinisendan ng group message nya pero kapag itetext mo at kakamustahin para sabihing wag puro text ay di siya magrereply. Matagal na panahon din kaming naging ganito parang halos di magkakilala samantalang sa loob ng classroom ay lagi siyang nakatingin sa bintana na akala mo ay laging may hinihintay. Na agad ko namang sinisira sa pagsisita ko sa kanaya upang makinig.

Minsan ay wala siguro siyang magawa ay nakipagtext na siya sakin. Di ko namalayan na buong araw nap ala kaming magkatext, nakilala ko siya ng lubos at bakit lagi nalang siyang ganun. Transferee lang pala siya sa school kaya wala siyang masyadong kakilala. Mabait siya at maalalahanin kung iisipin. Ngunit iniisip ko nalang na kaya siya ganun ay paggalang na lang sa isang gurong tulad ko.

Tumagal pa ito ng ilang linggo. At umabot ng ilang buwan. Sabay sabi ng “gustong gusto ko yung amoy mo, parang ang sarap mo pong kagatin” na tinawanan ko lang.

“Inaayos ko ang iyong isipan, ngunit di ka nakikinig, lahat na nang bagay ay aking ginawa ngunit wala parin...”

Minsan kapag papasok na ako sa room nila inaabangan niya ako sa hallway... at sinasabayan nya ako. hanggang sa pag alis ko ng classroom sasabayan nya parin ako. Hindi na siya nakatingin sa labas lagi... nakikinig na siya sa lesson ko. Kapag nagpapaquiz ako at mababa siya mag aanounce lang ako ng “Kasi mag ARAL ng hindi bumabagsak” maya maya lang ay may marerecieve na akong message na “Sorry napuyat po kasi ako kagabi eh T.T” na ngingitian ko lang.

Simula nun din a ako mapakali kapag wala siya sa klase ko at siya di rin siya matigil sa kakatext kapag may sakit ako. sa kanya ko lang naranasan na magpaload ng madaling araw para lang makapagreply. Alam kong mali tong ginagawa ko. Alam kong may nabubuo ng di dapat. Pero di ko rin alam kung paano ito nangyari at kung paano ko pipigilan.

“If one does not understand your SILENCE, S/he does not deserve your words.” – Paulo

Minsan ko ng sinubukan, buong araw siyang nagtetext pero di ko sinasagot, sa school kung anong tanong nya yun langdin ang sagot ko. Di ako gumamit ng pabango dahilan upang ipagtaka nya kung bakit iba ang kilos ko. Lumapit siya at nagtanong “May sakit kaba? Bakit ka ganyan ngayon?” na may kasamang pagaalalang tono at mapungay na mata. Di ko sinagot at agad akong umalis. Pag balik ko sa table ko sa faculty may nakita akong isang papel na may nakasulat na “Sorry” at may kasamang chocolate na favourite ko (Dark Chocolate with almonds) kahit walang nakalagay kung kanino galing alam ko na kung saan to nagmula dahil na rin sa penmanship nya.

“Ilang beses ko bang sasabihin na wala nang kwentang nakaraan, pero iyong pinipilit”

Minsan naissue ako na may crush daw akong isang Volleyball player na ikinagulat ko. Yun pala ang tinutukoy nila ay yung captain ball nila, di ko pinansin ang issue dahil alam kong close lang kami ng isang to at talagang nagkakasama kami dahil na rin parehas kami ng interest na ikinaselos (ata) ng isa. Di na siya nagtetext ng goodmorning sa umaga, din a rin akong pinapadaanan ng GM’s nya sa school lagi nalang siyang wala. Na di ko naman pinansin. Pero isang araw... nagkasalubong kami sa hallway kasama ang kaibigan nya, lahat sila bumati sa akin pwera lang sa kanya, nakayuko at di na ako pinapansin. Di ko alam pero nasaktan ako. kaya tinext ko siya kinagabihan.

“Musta? Tagal mong di nagparamdam ah” sabi ko na makailang beses kong sinend.
“Kilala mo pa pala ako” sabi niya, “Oo naman... bkit namn kita di makikilala???” sagot ko.
“Kasi kay CAPTAIN BALL kana ngayon” sabi nya.
Isang malakas na tawa ang natanggap nya mula sa akin ng mabasa ko to.
“Nagseselos ka ba?” sabi ko.
“Hindi, at bakit ako magseselos... Bleh!” sabi nya.
“Ah okie. Di naman pala eh... by the way aalis kami ni Capt.ball nyo sa sabado” pangasar ko.
Na di nya nireplyan ng ilang oras.
“oh bkit di kana nagreply?, may nasabi ba akong di maganda?” tanong ko...
“Oo na! Alam ko. Anong gusto mong sabihin ko? Ingat ganun? Oo, nageselos ako... manhid ka ba talaga? Teacher pa man din kita taz di ka marunong magbasa ng isip ng tao... oh yan Masaya kana?” sabi nya.

Nagulat ako sa text nya at nabura ang ngiti ko sa labi.

“Ikaw lang ang nais kong makasama wala na akong gusto pang balikan, kahit akoy papiliin ikaw ay umasang gusto kong makapiling”

“Things never happen the same way twice” – Narnia

During their practice nagpalagay ako sa locker nya ng isang brown envelope na may 3 chocolate sa loob at sulat na nagsasabing “Kainin mo lahat ng yan ah, ayaw kong nagugutom ka sa practice mo”

Nagtext siya sakin na “Kinain ko na po” pero yun lang.
Kapag nagtetext siya puro GM nalang, pagnagtatanong ako... minsan nya nalang sagutin. Lalo na kapag nahuhuli nya kaming nagtatawanan ng Capt.ball nya. Tititig siya ng masama sabay aalis.
Lalo pa siyang nagalit ng malaman nyang parehas kami ng pabango ng Capt.ball nya. Akala nya daw kasi ako yung nasa likod nya nung isang araw kasi naamoy nya yun ngunit paglingon nya ay kung capt.ball na pala nila.
“Lagi nalang tayong nag-aaway, kahit di dapat pagawayan, tuwing ika’y lumuluha ako’y nasasaktan pag nakikita kang ganyan, sige na tahan na, dahil mahal na mahal kita...ikaw lang kasi maniwala ka.”

Ikinabahala ko ang grades nya. Lahat na halos ay bagsak. Pagpumapasok ay agad ding lalabas. Agad ko siyang kinausap ng masinsinan sa isang kwarto.
“Ano bang nangyayari sayo?” tanong ko...
“Dahil ba to sa akin?” sinundan ko kagad na tanong.
“Bakit kung tungkol ba sa atin to may paki alam ka?” Sagot nya.
“Oo naman... ano bang problema NATIN?” tanong ko.
“Wala alam ko namang lokohan lang tong gingawa natin.” Sabi nya.
Kahit alam ko na ang gusto nyang sabihin ay nagtanong pa rin ako. “Anong sinasabi mo?”
“Alam kong di pwede kasi teacher kita at student mo ko, kaya ngayon palang inilulugar ko na ang sarili ko” sabi nya.
“So kung yan man ang nasa isip mo eh bakit mo kailangang ibagsak ang mga exams mo? Sa tingin mo sa ginagawa mong yan maiiwasan mo ako? Lalo mo lang kinukuha ang atensyon ko.” Sagot ko.

Matagal na katahimikan. Walang gustong tumingin sa aming dalawa.
Binasag ko ang katahimikan ng sabihin kong may klase pa ako.
Bago pa man ako makalabas ng pinto agad nyang tinanong sakin...
“Minahal mo ba ako?” na agad kong ikinatigil... nabigla ako.
“Aalagaan kita, di kita iiwan... pero di ko alam kung mahal kita” dugtong niya pa.
Di ako sumagot dahil ayaw kong magbigay ng sagot na pagsisisihan ko bandang huli. Lumabas ako ng pinto dahil na rin sa sakit na nararamdaman ko. Di ko gusto ang nararamdaman ko dahil alam kong mali.

Simula nun ako na ang kusang umiwas. Ako na ang nagpapalit ng shift. Ako na ang di nagrereply.
Duwag akong maituturing... ngunit ayokong guluhin ang munti niyang isipan pagdating sa larangan na ito. Madami pang iba dyan at di ako yun. Mahal ko siya pero sa maling panahon at oras.

“Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan nandito lang ako laging umaalalay hindi ako lalayo, dahil ang tanging panalangin ko ay IKAW” – Kundiman by Silent Sanctuary.

Umalis na ako sa school na yun. Ngunit di ko maiwasang maalala siya.

Minsan nagtext siya sa akin muli pagtapos ng mahabang panahon. Nangangamusta. Sinagot ko naman na ayos na ako at may iba nang trabaho sa ibang eskwelahan. Sa mga oras na yun di parin nawawala sa kanya ang pagiging sweet sa akin. Pagmay sakit ako pinapagalitan nya ako. Pag di ako kumain ng hapunan nagagalit din siya. Parang kami na hindi. Pero nang tanungin ko siya kung mahal niya nga ba ako... sabi nya “Tapos na yun wag na nating ibalik”

“Ibibigay ko ang lahat, pati na rin ang iyong pangarap...sasamahan kita kahit saan...”

Tama ba naman yun? Anak ng puto’t kutsinta naman... ang sweet nya sakin at maalalahanin taz kapag tinanong mo ng ganun ang isasagot wag na nating isipin yun? So ano tong ginagawa namin? Hayz... di ko na alam kung ano pa ang papaniwalaan ko sa mundong to. Ayoko na sang umasa pero siya tong nagsasabi na maghintay lang ako.

Hanggang ngayon ganito parin ako. Nalaman kong may karelasyon na siya pero nagkakatext pa rin kami. Di ako nanggugulo o ano pa man. Usap kaibigan nalang kami ngayon, tinuring ko nalang siyang bestfriend ko na kaya niya ginagwa ang lahat to kasi magbestfriend kami. Oo sinungaling kami sa isat isa, pero mas ayos na to kesa mapunta pa sa wala ang lahat.

Sabi nya pa... “Alam mo bagay sayo yung kantang 14 ng Silent Sanctuary dahil kanta natin yun.”



Monday, July 30, 2012

Confession 6 "One Night Stand"

"February 24 isa sa mga panahong di ko makakalimutan sa buong buhay ko. Masarap na masakit. Pinagsisihan ko man pero di ko mapagkakailang hinahanap hanap ko parin yun. Basa ang katawan sa pawis, malagkit ang hagod ng laway sa katawan at ang nagsasalong init ng hininga sa bawat halik at galaw ay sadyang nagpapalimot sa lamig ng aircon at gabi ng mga oras na yun."

Nakilala ko ang unang taong nagpatibok ng puson ko este puso ko sa isang lugar sa Cavite, kahit na hindi kami seryoso sa isa’t isa nagawa ko parin siyang mahalin at siya na rin sa akin. Di kami “showy” katulad ng mga ginagawa ng iba. Di kami magkasamang kumain dahil kasama nya lagi ang tropa niya, palibhasa ang relasyon naming ay nagsimula lang sa isang “DARE” na sineryoso at pinatulan. Pero katulad parin ng ibang relasyon Masaya kami at ginagalang ang isa’t isa. Ang di ko malaman ay ang pagdating ng isang taong malapit sa aming dalawa.

Kilala at sikat din itong kaibigan nya katulad ng naging syota ko. Sa isang party lang kami talagang nakapag usap ng taong to. Di nila alam ang relasyon namin ng kaibigan nya dahil na rin isa itong tagong relasyon na wala dapat nakakaalam sa mga pagkakataong nagkakatitigan kami ng syota ko ay may ngiting rumerehistro sa aking labi. Gabi nun at magkakasalo kami sa iisang lamesa di nagiimikan ngunit sa ilalim ng lamesa ay magkahawak kami ng kamay ng syota ko. May selos na nararamdaman kapag inaaya siya ng iba na sumayaw at pumapayag siya dahilan upang bitawan ang kamay ko sa kamay nya at mapilitang makisayaw sa iba. Napansin ng kaibigan nya na everytime na maghihiwalay kami ay sumisimangot ako sabay banat ng “Nagseselos ka no?” dahilan para ako ay magulat at itanggi ang lahat. Hinawakan nya ang kamay ko at inalam kung kinakabahan ako at nilalamig... pero imbes na yun ang maramdaman ko ay lalo akong naginit ng mahawakan ko ang kamay na sobrang lambot. Napakamitekoloso kasi nya sa katawan. Sabayan mo pa ng ngiting nawawala ang mata dahil sa singkit siya. Tinigasan ako, pero pinigilan ko ang aking sarili.

Bumalik ang syota ko sabay kawala ng kamay ko sa kamay ng kaibigan nya. Bumulong ang syota ko sakin na may kasamang inis ng “bakit kayo magkahawak ng kamay”

dahilan para ako’y mapangiti dahil nagseselos sya. Di ko na kailangan pang magpaliwanag dahil kinuha nya muli ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit sa ibabaw ng hita nya. Naginit ako sa di malamang dahilan.

Di pa man tapos ang party nag-aya na ang tropa nya na pumunta sa isang rest house malapit din sa lugar yun, dun daw kami maginuman. Anim kami nun. Sa sobrang antok ko nun ay nakaidlip ako sa tabi ng kaibigan nya sa loob ng kotse. Pagdating naming sa lugar ay di na ako kinakausap ng syota ko, nagtatampo... kinikilig naman ako kasi nagseselos ata. Laklakan ng alak ang labanan walang kahit anong panulak kundi tubig lang dahil narin sa nagkahamunan. Dumating ang oras na nagkaayaan na punuin ang isang buong baso ng Empirador ang tagayan... di umiinom ang syota ko dahil na rin sa sama ng loob. Na di ko muna pinansin dahil nageenjoy ako kasama ng kaibigan nya. Lumabas ng kwarto ang syota ko at akmang susundan ko ng pigilan ako ng kaibigan nya at bigyan ako ng isa pang tagay na halos umawas na sa baso. Di ko sana tatanggapin ng hawakan nya ang dibdib ko at haplusin ito. Nainom ko ng di namamalayan ang laman ng basong yun ng wala sa oras. Pagkatapos ng 5 bote ay saka lang bumalik ang syota ko... di ako kinakausap kaya hinila ko sya palabas ng kwarto. Kinausap ko at tinanong... “Anong problema mo?” ang sabi nya “Wala..magenjoy ka lang tutal DARE lang naman ang lahat ng to” pumasok siya sa loob ng kwarto, humiga sa sulok ng kama at nagtalukbong ng kumot.

Naghubad ng pangitaas ang kaibigan nya dahil na rin sa init ng alak, gumaya ako dahil wala akong dalang damit pangpalit kaya naisipan kong maiwasang madumihan ang damit ko. Yung 3 kasama naming ay bagsak na sa kabilang sulok ng kwartong may kutson. Uminom pa kaming dalawa ng kaibigan nya ng huling bote. Tahimik na siya at ganun di naman ako. Nang makita ko siyang bumabagsak na ang ulo sa lamesa ay inalalayan ko siyang makahiga sa kama kung saan andun ang syota kong tulog na. Sabay patay ng ilaw. Tanging ilaw ng poste sa labas ang nagsilbing ilaw sa buong gabing yun.

Pumwesto ako sa gitna nilang dalawa dahil baka magsuka yung kaibigan nya atleast nasa dulo na ng kama. Hinawakan ko ang kamay ng syota kong tulog at nagulat ako ng higpitan nya ang kamay ko sa kamay nya ibig sabihin ay nakikiramdam pa ito kahit na di ko maaninag ang mukha nya dahil sa nakatalukbong ng kumot.

Nang maramdaman kong mahuhulog na sa kama ang kaibigan nya ay agad ko itong hinawakan ng isang kamay ko ngunit dahil na rin sa di kinaya ay nauntog ito ng malakas sa dulo ng kama agad akong bumitaw sa kamay ng syota ko at inalalayan ang kaibigan nyang lasing pero gising naman. Dahil na rin sa nakahiga na kami sa kama ay hinila ko nalang siya pagulong sa kama... ngunit bigla siyang nawalan ng balance at biglang napapatatong sa hubad kong katawan. Nadama ko ang lusog ng kanyang dibdib... ang hininga nya na umiihip sa aking tenga, nakapatong ang pagitan ng kanyang hita sa hita ko dahilan upang maramdaman ko itong nagiinit. Hinalikan nya ako sa noo pababa sa ilong hanggang magtama ang aming mga labi, ang lambot ng kanyang labi at init ng kanyang hininga ay naghahalo sa alak na kanina pa naming iniinom, nararamdaman kong tumitigas lalo ang laman sa pagitan ng hita ko. Kaya gumanti narin ako ng halik sa kanya pababa hanggang leeg. Napahawak siya sa kama at ako naman ay napayakap sa kanya. Ipinasok ko ang kamay ko sa kanyang likuran upang hawakan ang matatambok nyang pwetan, nasa ibabaw ko siya kaya naman di ako makagalaw, kamay ko na lamang ang gumagawa ng trabaho ng oras na yun, ang dila ko ay humahagod sa boung katawan nya samantalang siya ay umuungol. Agad kong hinawakan ang bibig nya upang pigilan ang pagungol nya, inalis nya ang kamay nya sa kama at napahiga sa katawan ko dahil na rin sa panghihina, naghubad siya ng pangbaba at kunaha ang kamay ko upang ilagay sa nagiinit nyang kayamanan. Ang kamay kong makasalanan ang gumawa ng lahat. Samantalang ang isa kong kamay ay kumuha ng kumot upang ipantaklob sa hubad naming katawan. Naramdaman ko ang kamay ng syota ko na muntik ko nga madaganan kaya hinawakan ko ito ngunit wala na siyang kibo patunay na nakatulog na siya. Lumalakas ng lumalakas ang ungol nang kaibigan nya lalo na ng ipasok ko ng buo ang pagkatao ko sa kailaliman nya, kalmot at kagat ng labi ko ang katumbas ng bawat pasok ng kapirasong laman ko sa butas nya. Siya ang gumagawa dahil narin siya ang nasa ibabaw. Bibilis, babagal hanggang sa bumilis ulit... ramdam ko ang pagyugyog ng kama at ang pagdiin ng ko sa sukdulan nya. Nang maramdaman ko na ang huling pagbayo ay agad akong humiwalay sa kweba nya at sa labas ko ito ibinuga dahil na rin sa alam ko ang maaring mangyari pag nagkamali ako... napakunot siya ng noo kaya kinuha nya ang galit kong laman at muli itong isinaksak sa malalim na dagat ng kalibugan. Ramdam ko ang pawis, ang lapot ng aking kayamanan sa aking tiyan at ang laway nyang humagod na sa buong labi ko at leeg. Ang init ng katawan naming ay sapat na para isiping nasa loob kami ng isang sauna. Makailang beses naming ginawa ang lahat kaya naman ang aming katawan ay puno na ng tamod na nagdidikit sa aming katawan. At ng hindi na nya kinaya ay bumagsak nalang siya sa ibabaw ko ng hindi man lang nahuhugot ang aking pagkatao sa kanyang kaibuturan. Masarap na masakit. Pinagsisihan ko man pero di ko mapagkakailang hinahanap hanap ko parin yun. Basa ang katawan sa pawis, malagkit ang hagod ng laway sa katawan at ang nagsasalong init ng hininga sa bawat halik at galaw ay sadyang nagpapalimot sa lamig ng aircon at gabi ng mga oras na yun.

Tumayo ako upang siya ay bihisan, nagpunta sa CR para ako ay magpunas at maligo. May guilt akong naramdaman ngunit may nagsasabi sakin na Masaya ang gabing yun. Bumalik ako sa kama ng parang walang nangyari. Sa pagitan nila ako muli’y humiga. Ngayon ipinasok ko ang aking katawan sa kumot na gamit ng aking kasintahan na nakayupyop at mahimbing ang pagtulog, niyakap ko siya dahil narin sa kasalanang aking nagawa. Hindi ko siya magawang halikan dahil alam kong ang labi kong ito ay mula sa kasalanan. Nagising nalang akong nakayakap na din siya sa akin at ang kaibigan nya ay nasa banyo na at naliligo, walang ano mang paguusap na nagaganap sa pagitan naming dalawa.

Sa walang anomang dahilan sabi ko nalang sa kanya “Sorry ah” sabay sabi nya ng “Para saan?” sabay hawak sa kamay ko. Napangiti ang syota ko... sabay tingin sa kaibigan nyang kalalabas lang ng banyo. Ngumiti ang kaibigan nya... tinigasan ako.

Wednesday, December 28, 2011

Confession 5: (Mind, Soul and Heart...breaker)


“The only true painful goodbyes are the one that are never said and never explained”

Di ko masasabing expert ako sa love life. Di ko rin masasabi na tama ang mga pinapayo ko sa mga taong nanghihingi ng payo tungkol sa pag-ibig. Para sa akin panapanahon lang ang mga problema na maaring mahanapan ng solusyon. Pero kung pagiging broken hearted at mga katagang pwedeng magtapos ng isang relasyon ang hanap mo... malamang ako ang pakay mo.

Nakaranas na ko ng maraming relasyong di ko malaman di ko malaman kung ako nga ba ang problema o sadyang di lang talaga kami para da isat isa. Wirdo mang pakinggan pero naniniwala akong di pa tamang panahon para sa akin ang umibig o magmahal. Nandyan yung bestfriend ko na minahal ko pero di naman pala ako mahal, yung dati kong classmate na minahal ko after how many years tapos malalaman ko magpapakasal na pala, yung kala ko mahal na ako ayun pala kaibigan lang talaga kami at yung isa naman puro libog lang. Oo, libog lang. Ang saklap ng love life ko. Meron ngang nakarelasyong matino pero di kalaunan dir in kami nagtagal puro nalang.... “It’s not you, it’s me...” ang drama. “I need time and space.” Kaya siguro naimbento ang intramuros dahil dun may malaking time (City Hall) at space (Golf Course) pero nakakatawa nalang isipin na kahit ilang beses na akong nasaktan kusa paring nagmamahal ang puso ko ng di ko na namamalayan. Bakit ba kasi kapag may naging mabait talaga sa akin sobrang laking puntos na nun para mahalin ko na kagad siya.

Isa akong guro sa isang dalubhasaan sa cavite. Almost 6 months na rin akong namamalagi dun at umupa ng isang maliit na apartment kasama ang mga katrabaho ko sa bahay. Nung una tuwing uuwi ako sa Manila para asikasuhin ang sarili kong buhay ay parang gusto ko nalang iwan ang trabaho ko at tuluyan ng magresign. Pero sa di inaasahang panahon nakilala ko siya sa isang bar sa Resorts World. Di ko alam pero parang ang linis nyang tignan sa paningin ko. Ngumiti siya sa di kalayuan at napalingon ako sa likod para hanapin ang nginingitian nya... wala namang ibang tao kundi ako lang. Ngumiti din ako ng pasimple at agad siyang umalis. “Sabi ko na nga ba eh... hindi ako yun” tinig na na nagmumula sa aking isipan. Ganito ako ditto sa Manila kada uwi ko tuwing sabado galing sa walang sawang trabaho sa cavite kasama ang mga kaibigan ko nung college. Tuluyan ng lumiwanag at nagbabadya na ang araw ng ako’y umalis sa bar. Nakita kong muli ang ngumiti sa akin kanina ngunit may kasama na itong kaibigan. Lumayo ako at naglakad ng pauwi.

Lumipas ang ilang linggo ng hindi ko siya nakikita sa bar na yun. Baka nga dayo lang. Ganun talaga pag bago lang minsan nagbabar hopping na sa malate at timog. Nang pauwi na ako ay may kumalabit sa akin na nagjojogging, punas muna nang konti sa mata dahil sa antok ng makita ko ang isang babaeng nagtatanong ng oras... mukha syang familiar pero di ko maalala kung sino siya. Ang mas wierd pa dito ay bukod sa oras tinanong nya rin kung anong trabaho ko at kung saan. Naiilang man ay sinagot ko lahat ng tanong nya. Pero ang di ko makakalimutan ay ang amoy ng pabango nyang minsan ko ng naamoy sa mga estudyante ko. Agad syang umalis kasama ang aso nya sa pagjojogging. Dahil sa antok umuwi nalang ako at nagpahinga.

Balik trabaho na ulit. Makukulit na estudyante nanaman ang didigmain ko sa buong linggo. Pero nagiba ang mood ko ng maamoy kong muli ang pabangong yun. Agad akong nagtanong kung kanino yun at agad na may nagsabi kung sino. “Anong pabango yan?” tanong ko. “Victoria Secret sir...Vanilla Lace” sabi ng isang estudyante. Agad kong tinignan ang bote at sinubukan sa aking braso... “Shit! Amoy alak... yan ba talaga yun?” sabi ko. “Uo, sir mamaya maamoy mo din ang tunay nyang amoy...maghintay ka lang.” Sabi ng estudyante. Di kalaunan naamoy ko nga ang hinahanap hanap ng ilong kong amoy. Ang bango nya. Kahit naligo na ako nung gabi andun pa din ang amoy nya. Agad akong nagpabili ng ganong klase ng pabango sa isang kakilala at sa tuwing gagamitin ko ang pabangong yun lagi ko syang naalala.
Ilang buwan din akong di nakauwi sa Manila ng dahil na rin sa dami ng trabaho pero di ko ikinalungkot yun dahil na rin sa pagiimagine ko sa kanya gamit ang halimuyak ng isang pabangong di ko alam kung bakit ko nga ba ginagamit samantalang ako ang taong di nagpapabango dati.

Di ko alam kung tadhana o hindi pero nagkasabay kami sa bus isang araw. Papunta daw sya sa kaibigan nya sa Cavite. Magkatabi kami at tuluyan ng nagkakilala. Dun daw tlaga siya nagja-jogging pag umuuwi siya sa tatay nya na nakatira malapit lang dun pero aalis na din. Nagkakwentuhan nalaman kong nagaaral pala siya sa Lyceum ng Engineering at 3rd year na siya. Madami kaming napagkwentuhan lalo na ng malaman nyang madalas ako sa Intramuros. Nang marating na naming ang Dasma. Kinuha ko ang cell number nya at sinabing itetext ko nalang ang number ko. At bumaba na nga siya. Sa di kalayuan ay nakita ko ang babaing ngumiti sa akin sa bar nung nakaraang araw. SHIT! Siya pala yung kaibigan na nakita kong kasama nya nung gabing yun. Sabi ko na nga ba pamilyar sa akin ang mukang yun. Pero huli na ng marealize ko. Dumating ang araw na nagkakausap kami sa text at tumatawag ako sa kanya. Minsan siya ang bumabati sa akin dahil na rin sa sobrang busy ko sa trabaho. Nakilala ko na rin ang kaibigan nyang ngumiti sa akin sa bar. Magbestfriend pala sila. At lalo pa akong nahumaling sa kanya ng makausap ko siya ng personal. Sa cavite yun isang gabi. Nagkita kami sa isang lugar na di masyadong alam ng iba. Malapit sa tinitirhan ng kaibigan nya. Nalaman kong wala pala siayng karelasyon dahil narin kakatapos lang nito at takot pa dw syang magmahal muli. Naintindihan ko yun. At tulad ng dati alam ko na “SANA” ang lugar ko kung di lang siya mabait sa akin. Tuwing nagkikita kami sa cavite feeling ko hindi ko na kailangan pang umuwi ng manila. Ang buong linggo kko ay buo na kahit pa napahirap ng trabaho ko at kailangan pang asikasuhin ang problema ng bawat estudyante. Napansin yun ng mga estudyante ko. May nagsabi pa nga ng “Uy! Si sir kusang ngumingiti...inlove ka noh?” Napasimangot ako at sa di ko malamang dahilan ay natawa ako sa sarili ko. In love nga kaya ako? Isang tanong na pilit kong iniiwasan dahil narin sa mga nangyari sa buhay ko. Siguro oo...siguro hindi. Nagkataon lang siguro. Pero bakit ganon. Parang pareho kong gusto yung magkaibigan? Lalo akong naguluhan.

Sa kasamaang palad nalason ako. Oo...litiral na nalason. Katangahan ba namang kumain ng sirang pagkain eh... agad ko siyang tinext pagkatapos kong makarevive pero kailangan kong umuwi ng manila. Kasalukuyan namang nasa tagaytay sila ng kaibigan nya at may ginagawang importante. Ngiti nalang ang naiganti ko sa mga text nila sa akin. Pero lalo akong naguluhan ng tinext ako ng kaibigan nya. At parang mas alalang alala sa akin. Di ko alam pero alam kong mali ang ginagawa ko.

Nang mga panahong yun sa Facebook nalang kami muna nakakapagusap. Nalaman ko ang mga gusto nya at ayaw dahil narin sa profile nya. Pinuri nya naman ako sa mga artworks ko at pictures na ginagawa sa skul. Ang saya ng mga oras na yun...

Lagi na kaming magkausap sa text, lagi nya akong pinapangiti sa kabila ng malayong distansya ng aming posisyon sa isat isa... Pinapaalala ko ang schedules nya at ganun din sya sa akin. Masaya kami at pilit kong inilalayo sa isipan ko ang kaibigan nya. Lalo na ng malaman kong may boyfriend pala yun. Ayoko sanang magtanong pero sa tagal na naming ginagawa to... Ano ba kami?

“Just because somebody flirts with you it doesn’t mean that they like you.
Just because somebody wants to go out with you it doesn’t mean that they Love you.
Just because somebody Love you it doesn’t mean they won’t HURT you.
Because people change, they lie.
Boyfriends and Girlfriends cheats, friends ditch and
they are always going to be those people who would kill to see you FALL.
The bitter truth... sometimes LIFE SUCKS!” – Jimmylyn


Umalis sya nang di nagpapaalam. Nalaman kong nagbakasyon pala sila ng mga schoolmates nya sa Singapore. Kahit sa facebook di siya nag update. Gusto kong magalit pero BAKIT? Gusto kong magtanong pero ANO? Gusto ko siyang kausapin pero ANO ba KAMI? Di ko alam. All this time I’m just flirting with someone who doesn’t want a commitment with me. Naawa ako sa sarili ng mga oras na yun. Di ko alam kung self pity lang yun or what pero I feel that I’m not that important. Siguro mali akong sanayin ang sarili kong lagi siyang nasa tabi ko. At bakit nga ba ako dapat na masanay eh hindi naman KAMI?... After few weeks I was online and she chatted me. Wala ako sa mood nun dahil na rin sa gumagawa ako ng late periodical exam na deadline na. She wanted to talk about her trip in Singapore without even asking me what happen to me when she is out there enjoying her trip. Yah... I know I’m being selfish that time. Pero di ko masisisi ang sarili kong mainis that time. So I replied to her chat box with just a letter “K”. She didn’t reply back. Afterwards I’m on my ¾ of my exam when she replied.
“Ang tagal kong nawala, excited pa man din akong magkwento sayo and you just going to reply to me... K? Whats wrong with you?”
I was angry that time so I replied “Whats wrong with me? Oh there is nothing wrong with me... baka sayo meron”
“Ang saya saya ko pa man ding makita kang online tapos ganyan ka... nasa mood pa man din akong makausap ka.” Sabi nya.
“Puwes ako wala sa mood makipagchat ngayon. Marami pa akong gagawin” Stupidly answer that Fuckin argument na wala namang katuturan. Then din a siya nagreply.

After that... days became weeks...weeks became months. I feel guilty. Ang babaw para pag awayan yun. I posted to her wall ng message but she keeps on ignoring it. Siguro nga mali na sinimulan ko ang lahat sa maling panahon at oras. Mali na inuna ko ang init ng ulo ko kesa intindihin ang posisyon nya.

Finally, Nagkaroon ako ng pagkakataong matawagan siya. Sinagot nya ang cellphone without even saying hello. So I started. I said “I’m sorry kung inuna ko ang init ng ulo ko. Pasensya kana kung di ako nageffort na puntahan ka, sorry kasi di ko muna inalam kung bakit ka umalis at nung nagkukwento ka pasensya kung nareplyan kita ng mali. Sorry talaga.” At may sumagot sa kabilang linya ng di ko inaasahan. “Sino ba to?” lalaki ang boses. “At bakit mo tinatawagan ang girlfriend ko?” nanlamig ako at agad kong ibinaba ang cellphone ko. Di ako natakot pero nagulat ako. “Girlfriend? Siya may karelasyon nang iba? Bakit? Paanong nangyari yun eh... di ba...” naguguluhan ako nun di ko alam kung wrong number lang ba ako o ano pero di ako natutuwa sa birong yun. Agad kong tinawagan ang kaibigan nya at tinanong kung tama ba ang mga narinig ko. Di kaagad nakapagsalita ang kaibigan nya ngunit inamin nya din sa akin na nakipagbalikan pala ito sa ex nya. Nang mga oras na hindi kami naguusap. Nagsorry daw yung ex boyfriend nya at dahil na rin siguro sa mga nangyayari sa amin kaagad nya itong binalikan. Tumulo ang luha ko ng di ko namamalayan. Tuloy tuloy yun at walang patid na dumaloy ang init ng likido sa aking mukha na nagpapahiwatig ng kalungkutan. Sobrang liit ng tingin ko sa sarili ko na yun. Pinatay ko ang cellphone ko ng di man lang nagpapalam sa sa kaibigan nya. Nakatingin sa kawalan...tulala... nagiisip ng wala. Panibagong kabiguan nanamang mapapasama sa baul ng hinagpis at katangahan. Oo, ka TANGAhan. Pinilit kong ngumiti. “Anong bago... wala naman” bigakas ko sa sarili. Lagi namang ganto ang role ko sa buhay isang PANAKIP BUTAS lang. Pero ayos lang atleast nakakatulong ako sa mga taong nagpupumilit hanapin ang taong para sa kanila habang wala pa ito...” pero sa kabilang banda ng aking isipan... ako’y nanghihina at pilit ikinukubli ang luha at sakit na aking nararamdaman.

“Be brave... even if you’re not. Pretend to be... no one can tell the difference anyway.” – Kaye

Minsan may nagtanong na estudyante ko... “Sir, paano ba ma-inlove?” sabi ko sa kanya “Pag naging importante sayo ang taong yun pero di mo alam kung bakit, yun na yun” sabay may nagtanong pang isa... “Sir na-inlove ka na ba?” sabi ko nalang “Oo, maraming beses na... pero kung ilang beses akong nagmahal ganun din yung daming beses kong nasaktan.” Nagtawanan sila sa sinabi ko... di ko alam pero pawang ngiti lamang nila ang nakikita ko pero wala ng boses... napatingin ako sa bintana. Maliwanag, Malawak at mahangin. Napapaluha na ako nun... pero sinabi ko nalang sa sarili ko na “Di pa ito ang oras ko...mahaba pa ang daan ko, maaring malubak o espalto man yan...madulas o magaspang... maari akong madapa at muling bumangon pero isa lang ang sigurado ko...tatayo parin akong mahal ko ang sarili ko.”

“You will know who I am, when you forget my name” – Jim Paredes

At para sayo...sana Masaya ka na ngayon. No, really I mean it. Minsan din kitang minahal di dahil basta ko nalang naramdaman yun sayo kundi dahil pinaramdam mo sa akin na dapat kitang mahalin... pero kung di talaga tayo para sa isa’t isa ayos lang. Siguro nga di ikaw ang kabiyak ng puso kong minsan ko ng hinanap at muling hahanapin pa. Salamat sa’yo. Dont worry we are still friends. I love you and Goodbye.

“Paano ba namamatay ang isang tao?
Pag binaril, nilason o hindi na huminga?...
Namamatay ang tao pag wala na siya sa puso at isipan ng iba” – One Piece



December 28, 2011
11:23 pm

Tuesday, November 22, 2011

Paalam

Walang load na cellphone
Mabagal na koneksyon ng internet
Nakahiga lang maghapon
Di na mainda ang init

Walang kausap
Lagi nalang nakatulala
Di malaman ang dapat gawin
Papaano nya kaya ako kakausapin?

Lugmok sa sakit
Sakit na di mo maramdaman ang kirot
Bagkos ang pagtulo ng dugo
Ang siya mong ipanlulumo

Di ko alam kung dapat na nga ba akong magpaalam
Sa kahibangan o sa kabaliwan
Bakit ba kasi malaki kang kawalan
Sa buhay kong di mo man lang pinahalagahan

Masakit lang isipin na ako lang ang lumalaban
Sa gyerang ikaw lang naman ang pinagmulan
Ngayon ako tong humuhingi ng paumanhin
Bakit di mo man lang marinig ang hinaing?

Sa huling hininga ng baga kong ito
Ang puso ko’y pagod na din sa pagtibok
Utak ko ay din a makapagisip ng maayos
Siguro nga ditto na ito matatapos.

Pasensya kana sa oras at araw na sinayang ko
Sa buhay mong kailanman may ako’y di naging parte nito
Minahal kita ngunit ako’y baliwala lamang sayo
Di ko man mabayaran ang oras, humihingi pa din ng patawad sa iyo.

Gusto kitang iwanan na parang wala nalang
Pero mahirap pala talagang ikaw ay makalimutan
Sa malamig na kwarto ako ngayo’y nanghihinayang
Di ka man lang nakausap ng walang pagaalinlangan.

Paalam nalang siguro.
Kasabay ng pagpindot ko sa kahong de gatab na ito
Maaring kalimutan mo ko ng mabilis
Ngunit alam kong minsan sa isip mo ako’y iyong nais.

Pero bakit?...
Tanong na di ko lubusang maisip.

Monday, May 16, 2011

Confession 4 (Erotika: Parental Guidance)


Nagmamadali akong pumunta sa paliparan para sya’y maabutan, ang bawat mensahe ko sa aking telepono ay ilang beses kong ipinadala sa kanya...nagbabakasakaling mabasa nya pa ang mga salitang gustong ipaagos ng labi ko mula sa aking sintido.

Isa syang organizer ng concert ng mga kilalang banda dito sa maynila, ako isang boluntir ng isang kilalang organisyon patungkol sa kalusugan...naimbitahan kami ng kanilang grupo na maging bahagi ng isang malaking concert upang maging tagapangunang lunas.

Kasalukuyang mataas ang araw na noon ng ako ay nagbabasa at naghihintay ng mga mangyayari ng nasabing event. Kailangan kasi naming magreport sa naturang lugar ilang oras bago ito magsimula. Magisa lang ako sa aming estasyon dahil kailangan daw magbanyo ng isa kong kasama, tinatawag na daw siya ng diwata bunga ng kinain nyang mani nung umagang yun... Nang may maaninag akong papalapit sa aking direksyon. Mahinahon syang nagtanong kung maari bang humingi ng tulong, agad akong tumayo at ibinaba ang librong aking binabasa, napangiti sya sa akin ng mabasa ang pamagat ng aking libro “Kwentong EROTIKO ng mga Heterosekswal” nahiya ako ng makita nya yun kaya agad ko itong binaliktad at saka sya kinausap ng hindi makatingin sa mata. “Nasugatan kasi ako” sabi nya, saka ipinakita ang kanyang kamay na may hiwa gawa ng isang alambreng kanyang nahawakan ng siya ay magayos ng isang poster para sa naturang concert. Agad kong tinignan ang kanyang kamay at nakita ko ang hiwa sa kanyang kanang palad na dumudugo, hinawakan ko ang kanyang kamay at naramdaman ang lambot nito...doon ko napatunayan na mayaman ang taong kaharap ko bukod sa celpon na hawak nya, napansin ko din ang kutis nyang napakalambot, makinis, maputi...nakalimutan kong kailangan ko palang pigilan ang dugong dumadaloy sa kanyang palad, kaya agad nyang kinuha ang atensyon ko “Ah, excuse me...malalim ba ang suagt ko?” biglang bulaslas ng “Malalim...este hindi naman masyado...madugo lang.” Nadarama ko ang lambot ng kanyang palad at saka napatingin sa kanyang mukha...agad nagsalubong ang aming mga paningin...ngumiti sya, naglaway ako. Ang ganda ng kanyang mga ngipin at ng singkit nyang mga matang ngumingiti kasabay ng kanyang mga labi. Wala akong masabi ang mukhang katulad ng sa kanya ay sadyang kaakit akit. Nilinisan ko ang kanyang sugat napangiwi sya sa hapdi pero alam kong may tiwala sya sa akin dahil tuwing lilinisin ko ang hiwa nya ay ngumingiti sya sa akin at parang sarap na sarap sya sa mga pisil ng aking kamay sa kanyang palad. Nilagyan ko na ng gamot ang kanyang palad upang madali itong magsara ngunit naisip kong patagalin muna ng kaunti ang mga pagkakataon na kami’y magkasama “Ah nilagyan ko na ng gamot pero patuyuin muna natin ng kaunti para mas madaling gumaling ang hiwa mo este ng sugat mo” Natawa sya sa sinabi ko, napangiti naman ako. Parang bumagal ang lahat sa paningin ko habang tumatawa siya, parang MTV ng isang kanta ang mga pangyayari. Napailing nalang ako sa ginagawa ko. Pinapili ko sya “Anong gusto mong ilagay kong pantaklob ng sugat mo? Band aid o gasa? May iba ka pa bang gagawin?” Napatigil siya sa pagngiti at agad tumingin sa akin... “Anong ibig mong sabihin na may gagawin pang iba?” Di ko alam kung tama ba ang pumasok sa isip ko ng itanong nya sa akin yun pero agad kong kinlaro ang tanong ko sa kanya... “Ang ibig kong sabihin, may gagawin ka pa bang mga poster? Kasi kung meron pa...Band aid nalang ang ilalagay ko” ngumiti ulit siya sabay sabi ng “Ah yun ba? Meron pa...madami dami pa nga eh” Gusto ko sanang magoffer ng tulong pero naalala ko kung ano ako sa naturang event. Tumayo sya at nagpasalamat sa akin...sabay sabi ng “Ganda ng libro mo ah...” Namula ako sa sobrang hiya pero ngiti nalang din ang naiganti ko sa sinabi nya.

Tumayo muna ako upang magikot ikot ng bumalik na ang kasama ko, sabi ko ako muna ang magiikot total tapos naman na syang gumala sa banyo. Mukhang masaya ang magiging concert dahil mga sikat na banda ang dadating at madami dami ang taong dumadating. Nakakita din ako ng mga sikat at kilalang tao. Sa paglalakad ko, nakakita ako ng grupo ng mga estudyante galing sa isang kilalang pribadong paaralan...halata mo kaagad sa kanilang estado na mayaman itong mga taong to dahil narin sa kanilang mga damit at sa kanilang mga kutis. Agad kong nakita ang pamilyar na mukha sa kanilang lahat...sabay sabi ng “Sabi ko na nga ba eh” isa sya sa mga andun...yung taong pinagaling ko ang sugat. Napalingon siya direksyon ko ang mga singkit nyang mga mata, na agad nagpakabog sa dibdib ko dahil narin nakatingin ako sa direksyon nya. Umiwas ako ng tingin at agad naglakad palayo pero... alam kong nakita ko syang ngumiti sa akin bago ako umalis. “Grabe ang ganda nya!” hay...hanggang sa paglingon nalang ba ako? Pero alam ko naman na wala tong patutunguhan. Kaya pinagpatuloy ko nalang ulit ang aking ginagawa sa estasyon ko. Tinamad na akong magbasa ng kalibugan sa libro ko. Pero alam kong gusto ko ng sumuka sa ibang paraan...dahil ba to sa kanya? Grabe...ganun na ba ako kadesperado? Pero di ko na talaga kaya to...agad akong pumasok sa banyo at ginawa ang dapat gawin habang nagiisip ng mga ngiti at matang singkit na nakatitig sa akin. Butil butil na pawis ang lumabas sa akin ng oras na yun, akala mo’y nasa loob ako ng sauna “Puta! Wala akong pampunas...” bulaslas pagkatapos ng unang putok papunta sa aking dibdib. “Wala na ngang pampadulas, ngayon wala namang pamunas...Badtrip!” wala akong magawa kundi gamitin ang papel na ipinamimigay sa labas kanina para mangimbita ng mga tao. Ganito pala ang di makapagpigil. Natawa nalang ako.

Paglabas ko ng banyo, ilang minuto din ang ginugol ko sa loob agad akong sinalubong ng kasama ko dahil may tao daw na naghahanap sa akin. Agad kaming bumalik sa estasyon upang alamin kung sino sya...nasa estasyon pala namin ang isa pa naming kasama na naglilibot din ng oras na yun ngunit sa ibang post naka-assign. Nakita ko yung taong naghahanap sa akin ngunit nakatalikod sya. May kutob na ako kung sino sya ngunit di ako sigurado. Pagharap nya ay agad akong tumgil at napangiti ng malaman kong siya pala ulit ang naghahanap sa akin. “Ano pong problema?” tanong ko kagad ng muli kaming magkaharap. “Ah eh kasi, natanggal yung nilagay mo sa akin kanina...tapos nagkasugat ako ulit...” sabay ngiti nanaman sa akin. “Ah yun lang naman pala eh...bakit sa amin ayaw mo?” sabi ng kasama ko sa estasyon. Napangiti ako, natawa siya... “di naman sa ganun, kaya lang kasi sya yung nanggamot sa akin kanina kaya feeling ko mas alam nya yung pinagaling nyang sugat ko.” Kumunot ang noo ko sa kasama ko sabay kindat upang sabihin sa kanya na ako ng bahala at wag na syang makialam pa...natawa nalang ang kasama ko at sabay alis kunwari’y bibili ng kung ano man... “Ano nanaman bang ginawa mo? Bakit ang laki nanaman ng sugat mo (sayang naman ang lambot at makinis pa man din ng palad mo)” sabi ko at bulong ng utak ko. “Ah kasi kailangang matapos yung mga poster bago pa magsimula yung event eh” Muli ko nanamang hinawakan ang kamay nya ngayon napansin ko naman ang suot nyang damit na royal blue ang kulay...sapat na upang ipagsigawan ng kanyang balat ang maputi nyang kutis... ang hapit na hapit nitong hubog sa kanyang katawan, ang pwet nyang nagtatambukan at nagsisigawan sa kanyang ¾ na puting suot pambaba, ang kanyang pangmayaman na kuko na pilit na dinudumihan ng alikabok bunga ng kanyang ginagawang pagaayos, ang pawis sa kanyang dibdib na nagpapabakat sa kanyang maaamong dibdib. Pero sa mga oras na yun alam ko na kung anong dapat gawin kaya di na halatang tinitignan ko ang mga parteng yun. Biglang tanong nya sa akin...

“Matagal ka na bang myembro ng (Pangalan ng organisasyon)?” di ako kaagad nakasagot dahil sa daming tanong na pumasok sa isip kong malisyoso... (bakit naman sya interesado? Bakit may gusto din ba sya sa akin? Ito ba ang paraan nya para makapagusap kami? Bakit sya ngiti ng ngiti? May nakakatawa ba akin? Nalilibugan din kaya sya sa akin?) Lahat ng mga tanong ay mistulang ulan na pumasok sa aking isipan.
“Ah oo, mag aapat na taon na ako dito” sagot ko.
“Ah talaga? Ayos ka pala eh” sabi nya. (Ayos na ano? Katalik? Tangna ang libog ko naman!)
“Ah ganun ba...hehehehe, Masaya eh. Ikaw? Matagal ka na bang nagoorganize ng mga ganitong event?” tanong ko.
“Ah yah! Matagal tagal na din, madami dami na din kaming nagawang ganitong event kahit sa school pa lang dati” sagot nya.
“Nice” lang ang nasabi ko.

Natahimik ang buong paligid sa aming dalawa. Muli siyang tumayo at nagpasalamat bago umalis... ako kumuha ng tissue at lotion, sinenyasan ang mga kasama na bumalik na at dumiretso ulit ako sa banyo.
Nanghina ako sa pangalawa kong punta sa banyo, grabe para akong tumakbo ng napakalayo. Gusto kong umungol kanina sa banyo pero di ko magawa dahil na din sa taong tumatae sa kabilang cubicle at mga naghihilamos sa tapat ng lababo. Para tuloy akong manganganak na pinigilan ng doktor na umiri at nilagyan ng busal habang nilalabasan. Ngunit may ngiti sa aking mga labi.
Makailang ulit dumaan ang singkit sa tapat ng estasyon namin at kada daan nya’y napapalingon ako at parehas kaming napapangiti sa isa’t-isa, pang walong daan nya sa harap ko ng kunin ko ang atensyon nya. “May sugat ka ulit? Gusto mo ng band aid?” malisosyo kong tanong sa kanya, natawa siya sabay lapit at inabot ang band aid na inoffer ko. “Salamat ah” sabi nya sabay alis na may ngiti sa kanyang labi. “Tol, Lotion gusto mo?” pangaasar ng kasama ko ng makita nyang may ngiti ako sa aking labi na hindi maialis. “Gago mo! Hahaha! Tama na...nanghina ako eh” sabay tawanan naming dalawa.

Nagsimula na ang event at lahat ng tao ay nagsama sama sa harap ng entablado. Pansamantala akong nagpalit ng damit sa utos na din ng head ng organizer upang manmanan ang mga tao sa loob ng crowd baka daw sakaling may masugatan. Agad akong sumunod at nakihalubilo sa gitna ng kasiyahan ng balyahan at kantahan. Habang tumutugtog ang isa sa mga paborito kong banda, di ko maiwasan na makipagbalyahan at makigulo sa mga taong andun, pawisan na ako at init na init ng muli nanamang magsimula ang “Slam-an” ngunit ng mapagod ako at huminto agad akong tumalikod at aalis na sana ng may bumalya sa aking likuran, sapat na upang ako ay masubsob sa dibdib ng isang taong di ko napansin kung sino. Nabasa ko ng pawis ang kanyang dibdib gamit ang aking mukha, napatingala ako upang humingi ng paumanhin sa taong nasa harap ko ng makita ko ang pamilyar na mukha sa aking harapan “Tsk...tsk...kaya naman pala wala ka sa station nyo eh” ang singkit nyang mga mata na ngumingiti ang nagpaalala sa akin na tagapangunang lunas nga pala ako dun sa mga oras na yun. Tumayo ako ng diretso at tinitigan sya sa mata...walang ano’t ano pa ay hinalikan ko sya sa kanyang maliliit ngunit mapupulang mga labi, ang lambot ng kanyang mga labi at lapot ng kanyang laway ang nagpahiwalay sa amin sa aming kinakatayuan ng mga oras na yun. Hinawakan ko sya sa pisngi at siya naman sa aking beywang dahilan upang magdikit ang aming mga pambaba at ako’y tigasan. Alam kong nadama nya ang tumbok nito dahil narin sa kanyang humahangos na paghinga habang kami’y naghahalikan. Tumagal din ang aming “bungguan” ng mga ilang minuto sapat upang matapos ang isang kanta. Bago pa man kami maghiwalay ng katawan ay naramdaman ko na isinusulat nya sa aking braso ang kanyang numero gamit ang pentel pen na galing sa kanyang bulsa. Agad syang umalis pagkatapos nyang isulat yun sa akin, ako naman ay muling bumalik sa estasyon naming nakangiti at tulala. “Anong nangyayari sayo? Bakit may cellphone number ka dyan sa braso mo?” sabi ng isa pa naming kasamang babae, nang mapansin din ito ng mga kasama ko at agad silang naghiyawan at inakbayan ako sabay sabi ng “Lupit mo tol!!! Lotion ulit!”
Natapos na ang concert, nagpalit na ako muli ng damit at nag ayos na ng gamit pilit naghihintay na baka muli siyang dumaan, ngunit bigo ako. Umalis kami ng hindi ko man lang sya nasabihan ng paalam.

Kinabukasan pinadalhan ko ng mensahe ang numerong kanyang ibinigay.
“Hi, hope you still remember me, your personal first aid provider - ” ngunit matagal bago pa sya nagreply ng:
“Sorry, Im just busy in my paperworks right now, txt u later ok? But im so happy to hear from u. :) -
Napangiti ako sa tinext nya. Maya maya pa ay tumawag sya sa akin at magkita daw kami sa apartment nya sa Vito Cruz. Agad akong naligo at pinuntahan sya sa kanyang tinutuluyan na apartment.

Agad akong sinalubong ng kanyang ngiti at sinagot naman ito ng ngiting di ko masabing walang kalibugan. Inaya nya akong kumain sabay maginuman ng tequila. Nagkakwentuhan at sinabi nyang napakaswerte daw nya at nakilala nya ako kahit sa sandaling panahon lang. Ngunit nagkasundo kami na di na dapat pa naming alamin ang mga personal naming impormasyon dahil narin sa aalis na daw siya sa makalawa dahil nakakuha na daw sya ng trabaho sa Houston.Sapat na upang maintindihan ko kung ano ako para sa kanya. May lungkot akong naramdaman pero nanatili akong nakangiti dahil alam kong para ito sa kanya at alam kong isa lamang akong tuldok sa kwento ng buhay nya dito sa Pilipinas.
Alam kong napansin nya ang lungkot sa aking mga mata nang banggitin nya ang kanyang pagalis, ngunit alam na alam nya kung paano muli ito pawiin. Agad nyang hinawakan ang aking pisngi at hinalikan ako sa aking mga labi ng parang wala na talagang bukas. Muling nanaig ang tawag ng laman, nagpalitan ng hininga, nagsalo ng init, naghalo ang mga laway at nagkasakitan bunga ng kalmot at sabunot dala ng pananaig ng libog sa buong katawan. Maka ilang oras din ang tumagal upang tapusin ang gyera at habulan ng hininga. Magkayakap naming tinapos ang pangangailangan ng aming mga katawan, hinalikan ko sya sa noo indikasyon na kailangan na naming magpahinga. Tulog pa sya ng tumayo ako sa kama at muling nagbihis, nakakita ako ng papel sa tapat ng kanyang laptop, nagiwan ng sulat na nagsasabing “Salamat sa lahat, di man ako yung taong tatagal sa buhay mo alam nating pareho na parehas lang tayong tinawag ng ating mga katawan, sana maging maayos at maging matagumpay ka sa pupuntahan mo. Di ko mapapangako kung makakapagkita pa tayong muli sa pagbalik mo ngunit gusto kong malaman mo na di kita makakalimutan” at tuluyan na akong lumabas ng pinto. Umalis ako ng kanyang apartment mga alas-4 ng madaling araw sumakay ng jeep at umuwi ng bahay. Wala akong natanggap na kahit anong text galing sa kanya buong araw mula ng umuwi ako kaya pinagpatuloy ko ang buhay ko ng katulad dati. Pero di ko mapagkakaila na sya parin ang nananaig sa aking isipan.

Dumating ang araw ng kanyang pagalis alam ko kung anong oras sya aalis dahil nakita ko ang ticket nya kasama ng papel na sinulatan ko sa tapat ng laptop nya nung araw na huli kaming nagkita.

Sa kabila ng pagbabakasaling magkikita kami sa paliparan ng pinuntahan ko siya ay bigo ako. Nakita ko ang mga oras ng lipad ng eroplano sa monitor kung saan ito isinasaad alam kong nasa loob pa sya ngunit alam ko ding di na sya lalabas pa para sa akin. Napangiti nalang ako ng matanggap ko ang mensahe nya sa huling pagkakataon.

“Salamat sa lahat...di ko makakalimutan ang sarap nang init na ibinahagi mo sa akin. Paalam. :)”

Muli...tinigasan ako.

Friday, April 15, 2011

Confession III (Ang Sopista’t Elitista)


Isang mahanging umaga nanaman na muli kitang naisip... ang muta ko na nagpupumilit isarado pa ang aking mga mata, at ang tuyong laway na nagpupumilit managilid sa aking bibig. Tapos na ang aking suliranin sa eskwela...wala ng assignment at project. Tapos na rin ang walang katapusang examination. Pero isang tao lang ang lagi kong iniisip sa paggising sa umaga.

Magkaibigan na tayo mula pa ng bata, ang pinagkaiba nga lang ay dati sutil kang maituturing sa ating dalawa. Di ko alam ang nais mo sa buhay, ikaw yung tipong di malaman kung may pangarap nga sa buhay o wala. Samantalang ako ang nais ko lang ay ang maging magaling na chef. May mga oras na hindi tayo nagkakasundo. Mga oras na parang ayokong masilayan ang isang tulad mo sa isang araw. Dahil na rin siguro sa mga malisyoso mong biro at di ko matagalang pangaasar mo sa akin kahit alam kong nais mo lang maging masaya ang araw mo. Tuwing lilingon ako sa iyong upuan ang iyong ngiting nakakaloko ang aking masisilayan, sa di mapaliwanang na pakiramdam may kung anong inis at tuwa akong mararamdaman. Nang magtapos tayo ng elementarya kala ko hanggang doon na lamang tayo magkikita...tama nga ako. Nawala ka ng high school. Ang kasutilan mo ay nawala sa aking pandinig, ang mga nakakaloko mong pagngiti ay di ko na muling nasilayan pa. Nang dumating SIYA sa buhay ko, ang lahat ng kabaliktaran ng kung anong meron ka. Mabait siya sa akin, ginagalang nya kung ano man ang nais kong gawin dahil alam nyang may mas alam akong di hamak sa kanya. Ang kakaunting lakad mula sa kalye namin papunta sa inyong lagi ko dating pinupuntahan ay di ko na magawa pang daanan. Mapadaan man ako ay munting sulyap na lamang ang nakikita ko mula sa garahe at bakuran ng inyong tahanan, sarado...ngunit nagbabakasakaling may dumungaw mula sa bintanang iyon at maaring ikaw yun. Siya na nasa tabi ko ay di ikaw na madalas akong paiyakin dati. Siya na maaring malapit sa ibang tao ngunit ako pa din ang pinahahalagahan. Parehas kayong may ipagmamalaki pag dating sa inyong katayuan at sa inyong angking kaanyuan ngunit di ko maipagkakailang ang pagkawala mo ay isang malaking kawalan sa buhay ko.

Sa di inaasahang panahon nawala din siya sa buhay ko, ng di nagpapaalam at di man lang ibinigay ang mga paliwanag na nais kong marinig. Sa mga oras na akala ko ito na lang ang magiging takbo ng buhay ko’y nagkamali pala ako. Tumungtong ako sa pribadong kolehiyong may lakas ng loob kahit na sa pampublikong paaralan ako galing. Walang ikaw sa paligid ko at siyang handang damayan ako. Marami akong nakilala. Maraming nagpaligaya sa puso kong aba. Ngunit ang iyong presensya ang laging hinahanap. Nagawa kong lumayo at mapuntahan ang mga lugar na dati kala ko sa panaginip ko lamang mapupuntahan, Masaya ako dahil sa wakas nakita ko na din ang mga lugar na dati sa larawan ko lamang natatanaw. Ngunit nananatili padin akong nangangarap na ikaw ang aking kasama sa mga oras na nagtatampisaw ako sa tubig at humihiga sa dalampasigan habang nakatingin sa langit na puno ng mga bituin. Ngunit isa itong pangarap na mahirap ng abutin, lalo’t nalaman kong lumipat na kayo ng tirahan.

Pilit ko pa din dinaraanan ang kalyeng ating nilalakaran noon, na kahit may sundo ka’y nagpupumilit kang tumakas para lang sabayan ako sa paglalakad dahil wala akong pamasaheng pauwi. Hinawakan mo pa ang aking kamay sa paglalakad upang hilahin sa nakita mong bulaklak sa paborito mong bakanteng lote sa isang kalsada. At sa iyong pag uwi ay sermon na nanaman ang aabutin mo dahil sa sinamahan mo ako pag uwi. Naalala ko ang lahat ng iyon nang mga oras na nasa kolehiyo pa ako. Ang bawat bulaklak na makikita ko sa Dangwa, at ang alikabok nang kalyeng pinipilit kong iwasan. Ang baha sa Morayta na laging nagpapaalala sa akin ng minsan mo akong pinuntahan sa bahay namin upang ayaing maligo sa ulan. Basang basa ka noon at sinabi mong tumakas ka lang sa inyo, agad akong nag paalam sa aking magulang ngunit di nila ako pinayagan, ngunit dahil alam kong naghihintay ka sa kalye’t lamig na lamig na ay agad akong nagbuhos ng tubig sa aking katawan kahit na akoy may saplot pa, paraan upang ako’y payagan ng maligo sa ulan kasama ka. Ang saya natin noon. Ang pagpahid ko ng putik sa iyong makinis na balat na nagsasabing ikaw ay anak mayaman at ako’y maralita lamang. Ngunit sa kabila ng lahat ako pa din ang pinili mong kaibigan. Bakas pa sa iyong baro ang hugis ng iyong katawan, bata pa lamang tayo nun ngunit sa di mapaliwanag na kadahilanan ay hinangaan ko kagad ang iyong katawan. Napabahing ka ng bigla at ako’y nagalala na baka ako ang sisihin ng iyong mga magulang kapag ikaw ay nagkasakit, kaya agad kitang niyakap at binulungan na iuuwi na kita sa inyong bahay.
Lahat ng iyon hinahanap hanap ko kahit ako’y nasa kolehiyo na. Nakakilala ako muli ng mga taong papalit sana sayo...yung ang aking akala, ngunit mali nanaman pala. Nagagawa kong ngumiti ngunit hindi ito ang ngiti na maari kong maipakita sayo. Iba ka...iba sila.

Bago pa ako magtapos sa kolehiyo ay nagkita kami ng tatay mo, kinumusta nya ako at ikaw din ay inalam ko kung anong nangyari sayo, napag alaman kong nasa ibang bansa ka na pala. Swerte mo, pero natigilan ako sa aming paguusap ng mapansin kong nanagilid sa aking mga mata ang mga luhang pilit mamuo at nais nang bumagsak. Bago pa man tuluyang dumaloy ang aking mga luha ay agad akong humikab at nagkunwaring may munting tubig na namuo sa aking mga mata. Di ko alam ang ibig sabihin ng luhang iyon ngunit isa lang ang alam ko, at yun ay ang pagkakawalay ko sayo. Di ko alam kung nakikilala mo pa ako. Labing apat na taon tayong di nagkita mula noon, ito ako ngayon isang guro sa isang pamantasan, nangungulila ako pag nakakakita ako ng mga estudyanteng tulad natin noon. Ang istorya ng buhay nating minsang nabuo ngunit di man lang namalayang nagtapos na pala.

Nang may kumatok sa aming bahay. Nakangiting sumalubong sa aking harapan. Di ako makapaniwala sa aking nasilayan. Ikaw nga ba yan? Ngunit napakunot ang noo mo’t nagtaka... “Bakit ang payat mo?” ang una mong entrada. Di ko mapigilan ang lumuha sa pagkasabik, kala ko noo’y di mo na ako maalala pang dalawin man lang kahit sandali. Sa tagal tagal ng panahon na ika’y inaasam ngayon nandito ka at nagpaparamdam.
Wala akong sinayang na oras ng mga panahong yun, agad akong gumawa ng plano para sa iyong pagbabalik, Balikan ang mga oras na nawala ka sa buhay ko, ang iba kong kakilala’t kaibigan ay nagtatampo na ng di ako magparamdam sa kanila ng biglaan ngunit wala akong ibang alam kundi ang makasama ka sa maiklang panahon na ibinigay sa atin.

Dinala kita sa mga lugar na dati’y ako lang magisa at ginagawa ang mga bagay na nais kong gawin kasama ka, ngayon kasama na kita...para narin natupad ang mga pangarap ko. Ang mga oras na kausap kita sa telepono kahit na meron naman text ay di sapat. Kaya kahit dis-oras na nang gabi ay agad kitang pinupuntahan sa inyo.
May isang parte lang pala akong nakalimutan...

Di ko pala naitanong sayo... ngunit wala din akong lakas ng loob. Kaya di ko na magawa pang itanong sa’yo ang mga mga bagay bagay. Natatakot ako na baka isang araw muli ka nanamang mawala sa akin ngunit di dahil sa ikaw ay lalayo ngunit sa kadahilanang iba na ang pagtingin ko sayo.

Sakto pa ang “TORPEDO” ng Eraserheads nang nagkita tayo... Masaya kang sinalubong ako. Ako naman ay naguguluhan. Yun lang yung oras na di ako komportableng kasama kita. Naiilang ako sa di malamang kadahilanan. Nag mag-aya kang magvideoke. Habang kinkanta mo ang paborito mong kanta nakatingin lang ako sa kawalan...nagiisip, nagtatanong kung bakit ba ako ganito. Pinilit mo akong pakantahin kahit na napansin mong wala akon sa mood para kumanta. Tinanong mo ako kung anong kanta ang kakantahin ko, pero sabi ko lang wala akong maisip. Pinilit mo pa din ako...kaya naisip ko nalang ang kantang “Why can’t it be?” ni Rannie Raymundo. Nakangiti kang hinanap ang kantang yun at nagtanong kung anong klaseng kanta ba yun. Palibahasa’y galing ka sa ibang bansa kaya di mo alam yung kantang yun. Nagsimula na yung kanta nang biglang nagring ang celphone mo agad kang lumabas sa di kalayuan na tanaw padin sa bintanang de bubog. Kumanta akong ng seryosong dinadama ang bawat liriko nito, pagdating pa nga sa koro nito ay napalingon ako sayo at parang naririnig mo ang awit ko at napalingon ka din sa direksyon ko kahit na alam kong walang tinig na maririnig mula sa loob na kaagad kong ikinubli sa telebisyon sa harap ko. Nasa ikalawang stanza na ng kanta ng muli kang pumasok, binasa mo ang bawat lirikong kinakanta ko hanggang umabot sa koro, napangiti ka ng mabasa mo ang bawat liriko nito...sabay bulaslas ng “seryoso ah” natahimik ako na sakto namang interlude ng kanta. Sa huling bahagi ng kanta ay tinodo ko...pinilit kong ngumiti at dayain ang nararamdaman kong ito habang isinasabay sa saliw ng awit... “Why can’t it be? Why can’t it be the two of us? Why can’t we be lovers? Only friends, you came along at the wrong place, at the wrong time...or was it me?” napangiti ka...nalungkot ako.

Ngayon dumating nanaman ang oras para ikaw ay lumayo. Panahon na naman para asikasuhin mo ang sarili mong mmundo...maiiwan nanaman ako ditong magisa. Alam kong mahaba pa ang panahon na gugugulin natin upang muli tayong magkatagpo. Maaring makahanap ka ng isang tulad ko sa ibang lugar nunit ikaw sa mundo ko ay hindi... pasenya na wala akong lakas ng loob para aminin sayo ang lahat, nasa’yo ang halos lahat ng katangian at ako’y salat. Ipagpatawad mo kung wala akong lakas ng loob para dito. Pasensya di pa ako handa. Pasensya na TANGA pa ako sa mga ganitong bagay...
Sa iyong pag alis ako muli’y mananabik, sa mga oras na wala ka dito, ako ay gagawa ng paraan para sa pag balik mo meron ka namang magandang daratnan. Sana lang sa oras na yun...may lakas na ako ng loob. Sana sa mga oras na yun...mahal mo na rin ako.

Thursday, December 30, 2010

Confession II


Bakit pa ba natin kailangang makilala ang mga tao sa buhay natin kung mawawala din pala sila? Di ba pwedeng ang unang makikilala natin ay ang huli na din? Siguro nga ako yung taong ayaw nang masaktan pa... pero hindi, nasaktan na ko ng paulit-ulit...makailang beses na. Lahat sila nawawala sa buhay ko. Ako nga ba ang may kasalanan ng lahat? Kasalanan ko bang magmahal ako? Naramdaman ko lang naman yun ng kusa at walang nag-utos sa aking gawin yun... inosente ako pero bakit kailangan kong masaktan ng ganito?

Nakilala ko siya ng Grade 5 palang kami. Isa sya sa pinaka kilalang tao sa skwelahan namin, bakit? Kasi para siyang Dyosa sa paningin ng lahat. Maganda, mayaman at matalino...halos lahat nasa kanya na. Pero nung mga oras na yun palibhasa mga bata pa “Kompetisyon” ang tingin ko sa kanya. Lahat ng mga mata ng mga tao nasa kanya samantalang ako sa Art Class lang napapansin dahil na rin siguro pinalaki akong manlilikha ng mga magulang ko. Dumaan ang isang taon at di ko na sya naging kaklase, gumaan ang buhay ko. Ngunit ang anino ng kasikatan nya ay minumulto pa din ako. Hanggang sa nagtapos kami ng elementarya.

Pag dating ko ng high school sa di malamang ugali ko. Hinanap ko siya, nung mga pagkakataong yun gusto ko na syang labanan sa larangan na alam ko. Pero wala akong nakitang tulad nya. Nalaman ko nalang na lumipat na pala siya sa isang pribadong skwelahan. Di ko alam bakit ako nalungkot... 4 na taon akong di makakakita ng isang tulad nya pero di ako Masaya. Sa apat na taong yun nakilala ako. Ang kasikatang aking ninais ay nakamit ko. Umangat ako sa lahat. Ngunit di nagbago ang pananaw ko sa buhay. Ako pa din yung taong tahimik dati kapag nasa isang sulok at nagiisip, iba sa nakikita nilang ma-opinyon sa gitna ng klase. Nagtapos ako ng highschool ng may karangalan...ng walang ibang kaagaw at kakompitensya sa larangang alam ko. Pero bakit di ako Masaya?

Pumasok ako ng kolehiyo...isang sikat na unibersidad sa gitna ng Maynila. Kumuha ako ng kursong Nursing. Naging Masaya ang buhay ko dun. Madami akong nakilala, nakasalamuha, pero bakit parang may kulang? Parang may mali...

2005 nun ng Disyembre...panahon nanaman ng malamig na paskong di ko malaman kung bakit pag ganitong mga panahon eh di ko nararamdaman ang init ng pasko. Dumalo ako sa isang kasiyahan ng aking magulang sa kanilang opisina, nakakatawa lang dahil ng dumating ako dun ay parang malayong lugar ang pinuntahan ko. Pawis na pawis at napakadumi ng paa ko dahil na rin siguro nag-bike lang ako papunta dun. Oo, adik ako sa bike. Sandali akong umupo sa loob ng opisina para magpahinga pagkatapos kong ayusin ang sarili ko sa banyo. Saktong may videoke sa loob ng opisina, napansin ko namang ang lahat ng tao ay nasa labas para maglaro. Kumanta ako (well isa rin to sa mga hilig ko) kaya sinamantala ko ang pagkakataon...”Jeepney” ng SpongeCola yun. Para akong tangang kumakanta at nagiisip na parang nasa isang entablado at may konsyertong nagaganap. Nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako... at napahinto.

Pumasok siya, napatingin ako. Pusturang-postura...agad kong nakilala ang lakad na yun, ang mga galaw na yun. Hindi ako nagpahalata. Tinuloy ko ang kinakanta ko ngunit humihina na ang boses ko dahil na din siguro sa hiya. Umupo sya sa tabi, abala sa pagtetext. Tuluyan na akong napahinto...di ko na nga namalayang natapos na pala ang kanta. Lumabas ang score ko. 100 daw. Napangiti nalang ako. Sabay may nagsalita... “wow, galing ah!” napahinto ako. Napalingon sa direksyon nya. Nakangiti sya sa akin. Kilala ko ang mga ngiting yun. Yun yung mga ngiting kinainisan ko dati kapag natataasan ako sa quiz, yung ngiting nangaasar...pero ngayon yung ngiting yun ay iba na ang kahulugan... paghanga. Napangiti nalang din ako sabay sabi ng “di naman...” di ko inaasahang may mababanggit pa akong ibang salita bukod dun... bumulaslas nalang sa aking labi ang mga katagang “Kilala ba kita? Mukha ka kasing pamilyar” napingiti sya lalo, napaisip ako kung siya nga yun sabay sumagot siya ng “Buti naman nakikilala mo pa ako, kamusta na?” Tama ba ang narinig ko??? Siya na nga ba to? Imposible. Panong nagyaring nandito sya? Bakit? Napatulala ako. “oo naman ikaw pa!” ang nasabi ko (kahit na madaming tanong na tumatakbo sa isip ko) “siya na nga to...”napabulong ako.

Nagkakwentuhan kami, nalaman kong kaopisina pala ng magulang nya ang magulang ko, nagaral nga daw sya sa pribadong skwelahan nung high school at tulad ng dati matalino pa din sya. Accelerated pala siya ng isang taon. At ngayon ay nagaaral sa ibang bansa, nagbabakasyon lang daw sya dito para makasama ang pamilya nya sa mga panahong yun. Di ko malaman ang nararamdaman ko. May ibang ngiti ako sa aking mukha na di ko mapaliwanang bakit ayaw matanggal. Nararamdaman ko ang NGAWIT sa panga ko pero di ko magawa itong ibaba. Napahaba pala ang kwentuhan namin. Kumanta din siya... (hehehe...ngayon nalaman ko na na hindi pala siya magaling kumanta, lamang ako dito) pero sadyang mapagbiro ang tadhana. May nagtxt sa kanya na kinailangan nyang umalis kaagad. Magkikita daw sila ng mga High School classmates nya. Umalis siya kaagad ng di ko man lang nakukuha ang numero nya. Hinabol ko siya pero nawala nalang siya sa paningin ko. Magkahalong saya, lungkot, sabik at panghihinayang ang nadama ko ng mga oras na yun. Kelan kaya kami magkikita ulit?

Dumaan ang panibagong taon, buwan, araw, oras at minuto... di ko maipagkakailang naiisip ko pa din siya. Pero bakit? Anong meron? Wala naman di ba? Pero bakit parang nangungulila pa din ako sa kanya?

Oktubre ng ng 2006. Napadaan ang magulang nya sa bahay para kunin ang papeles sa magulang ko, nagkakwentuhan sila at nilakasan ko na ang loob kong itanong kung kumusta na sya...natanong ko din kung uuwi ba sya ngayong Christmas break, di daw nila alam kasi masyadong tutok sa pag aaral daw ang anak nya. Kinuha ko yung numero nila sa bahay at sa cellphone. Sinubukan ko din siyang hanapin sa “Friendster” at “MySpace” pero wala akong nakuhang impormasyon.

Christmas Party nanaman sa opisina. Di ko alam bakit ako excited. Pinaghandaan ko talaga...bago ang damit ko at todo sa wax ang buhok... nagbabaka sakaling may pumasok ulit sa pinto at umupo sa tabi ko. Pero...wala... di siya dumating. Di dumating ang taong inaasahan ko... nanghinayang ako... nalungkot. Nang tinanong ko ang tatay nya ang sabi di pa daw sigurado kung uuwi nga ba ng Pilipinas o hindi. Umuwi na kagad ako ng bahay. Di ko alam parang nasira ang araw ko. Pagdating ko sa bahay agad kong hinanap yung elementary class picture namin. Ngayon ko lang napansin butas pala ang litrato nya, dahil na rin siguro galit ako sa kanya dati at binutas ko ang mukha nya sa litrato. “Sayang” bulaslas ko.

2007 Enero. Naghahanda na ako sa thesis namin kasi kailangang matapos para makagraduate. Busy ako ng mga oras na yun sa skwelahan. May tumawag sa cellphone kong sira (nanakawan kasi ako ng cellphone sa kahabaan ng edsa kaya pinagtyagaan ko yung lumang cell sa bahay) number lang ang lumabas, ayoko sanang sagutin pero may nagsasabi sa utak kong sagutin yun. “Hi, musta kana? Ako to si..., asan ka ngayon?” nakalimutan ko na may ginagawa at nagmistulang landline ang cellphone ko sa tagal naming magusap. Nagusap kami kung ano ng ginagawa namin, asan siya ngayon...(kakauwi na palang daw galing US) nasa MOA daw sya kasama ang family nya at nakuha nya daw yung number ko sa bahay kasi dumaan sila ng tatay nya sa bahay kanina. Napangiti ako dun. May kilig akong naramdaman, bakit? Eh bakit naman sya magpapasama sa tatay nya pumunta sa bahay para lang kunin ang number ko ng walang dahilan? At bakit sa dami daming tao at kaibigan nya dito sa pinas bakit ako pa? Kaya lang mapagbiro talaga ang tadhana. Tang na! Lobatt! WTH! Kainis...
Agad-agad akong umuwi sa bahay. Hinanap ang magulang ko para itanong kung saan sila nakatira...pero nasaan ba ang magulang ko??? Pagdating ko sa bahay walang tao... “GREAT!!!” (sa tonong naiinis) bakit kung kailan kailangan sila doon pa sila nawawala... walang pera, walang load, walang battery, sira ang charger...(Oo alam ko na sasabihin mo ITAPON KO NA ANG CELLPHONE KO) para tuloy akong tangang lakad ng lakad sa loob ng bahay nagiisip ng wala... (SHIT tama nga siguro sila, madali ang walang iniisip kesa sa nagiisip ng wala...nakakabuang) napansin ko nalang na nakatulog napala ako at hapon na ng magising di pa nakakapagpalit ng damit. Sa wakas may dumating na ding tao sa bahay, kapatid ko...agad agad akong naki-insert ng sim. Pumasok ang napaka daming txt galing sa kanya... “Bakit naputol?” “Is there something wrong?” “can you plz txt me back kung ok ka lang” “Cge bz ka ata eh, txt you later”. Ano ba namang buhay to???

Pagkatapos ng unos nang bwisit na cellphone yan. Nakapagusap na kami sa phone. Nagkakwentuhan. Pinupuntahan ko siya sa bahay nila, minsan naman siya sa amin. Kumain na din kami sa labas at nanood ng sine. Nang mga oras na yun bulag ako kung ano nga ba ang meron sa amin...

Pero isang araw bago ako matulog, pagkatapos naming lumabas at magkape napaisip ako bigla. “Mahal ko na ba siya? Bakit ang saya ko pag kasama ko siya? Ganito din kaya ang nararamdaman nya sa akin? Bakit may mga extra effort syang ginagawa para lang sa akin pero sa iba di nya magawa?” Nalungkot nanaman ako ng maisip kong... baka isa nanaman to sa madramang tagpo ng buhay ko at ako ang lalabas na feelingero at naga-assume. Siguro habang maaga pa lang alamin ko na.
Pero bago ko pa magawa ang lahat at maitanong sa kanya ang lahat, dala na din siguro ng kaba at panghihinayang sa mga pinagsamahan na maaring masira inabutan ako ng oras ng kanyang pag alis. Kailangan na daw nyang magreport sa opisinang pinasukan nya sa amerika. Kaya imbes sirain ko ang oras na magkakahiwalay kami, ginawa ko tong memorable sa kanya. Niregaluhan ko sya ng isang stuff toy na magrerepresent nang sarili ko sa kanya kahit malayo pa sya. Nagustuhan nya yun ng sobra. Kinabukasan mga 3am tinatawagan nya ako para magpaalam. Flight na daw nya. Bago pa daw sya magpatay ng cell gusto nya daw marinig ang boses ko. Napangiti ako. At tuluyan na nga syang umalis... nang wala man lang akong idea kung kelan kami ulit magkikita.
Graduate na ako. Hirap humanap ng trabaho. Buti nalang inspirado nya pa din ako ng oras na yun kaya nagtyaga akong makahanap ng trabaho. At sa wakas nakahanap ako. Nagemail sya sa akin at sa pagkakataong yun nakahanap ako ng paraan para magkausap kami. Nagkakwentuhan, nagkamustahan. 2 taon din syang di umuwi. May mga panahong hindi kami nakakapg usap sa email kaya ganon nalang ang pananabik kong makita sya muli.

2010. Dumating sya. Wala ako sa bahay ng dumating siya. Kinuntsaba nya pa ang kapatid ko para isurprise ako. Tinitext ako ng kapatid ko kung anong oras ako uuwi. Pero ng mga panahong yun eh nasa inuman ako kasama ang mga dati kong kaklase. Kaya late na din akong umuwi. Di ko alam na sya pala ang dumating hanggang nalaman ko nalang kinabukasan... may tama pa ako ng pumunta ako sa bahay nila, ngunit wala sya. Di pa ako naniniwala na dumating nga sya. Nang may tumawag sa akin. “Nasaan ka? Bakit wala ka sa inyo kagabi?” napangiti ako, naluluha ako sa tuwa (Ganto pala ang pakiramdam ng mga mag asawang nawalay ng ilang taon, pero syempre feeling ko lang yun) di ko nasagot ang tanong nya... ang unang natanong ko ay kung nasaan sya? Balak ko syang puntahan...nawala ang amats ko bigla... “Ikaw ba talaga yan?” ang huli kong natanong... natawa sya sa tanong ko... napangiti ako.

Nagkainuman kami kasama ang mga kaibigan nya. Nagkalasingan. (oopppsss...iba na ang iniisip mo, walang nagyaring ganon) naisip kong pagkakataon ko na yun...para itanong sa kanya kung ano nga ba talaga kami. At yun lang!)
“Bakit ako?” Lasing pa ang boses ngunit alam ko kung ano ang mga tinatanong ko... “Anong bakit ikaw?” sagot nya... “Bakit mo ginagawa ang lahat ng to? Bakit ang bait mo sa akin? Bakit mo ko kailangang supresahin? Bakit ako ang una mong pinuntahan pagkagaling na pagkagaling mo sa airport? Bakit ako?” medyo naiiyak ako pero di ko alam kung bakit... di sya sumagot. Sabay sabi ng “Gusto ko lang.” Di na nakapagtiis yung isa nyang kaibigan at sinabing “Tinatanong pa ba yan? Syempre mahalaga ka sa kanya, ikaw nga lang yung taong ginawan nya ng ganyan eh... nagtatampo na nga kami dyan kasi mas inuna ka pa nya kesa sa amin, pero anong ginawa mo? Sinurprise ka nya pero nawalan ng saysay kasi wala ka...” gusto kong magpaliwanag pero mas mali pa ata yung nasabi ko... “Kasi di mo sinabing dadating ka sana naisingit kita sa sked ko” Napaluha sya... nagulat ako. “kung sinabi ko, edi di na surprise yun. At ganon pala SINGIT nalang pala ako sa sked mo.” (Shit bakit ko ba kasi sinabi yun...busy nga ako pero mali yung term na ginamit ko...WTH!) “di yun ang ibig kong sabihin... sana nabigyan kita ng time para masundo sa airport...” (wait... time first... ano ba kami? Bakit sya umiiyak ng ganyan? Bakit ako nagpapaliwanag ng ganto?) “wag nalang nating pagusapan yan ang mahalaga andito tayong lahat at magkakasama!” sabi ng kaibigan nya... nagpunas sya ng luha, na guilty ako.
Minsan lumabas kaming 2. Nanuod ng sine. Nagkwentuhan... (oo na sige na, sweet na kami...pero di naman kami) tama ba tong ginagawa namin? Hanggang dito nalang ba talaga kami?

Dumaan ang panahon at malapit nanaman syang umalis...ngayon ayoko ng aksayahin ang panahon... ito na yun... magtatapat na ako. Nagusap kami. Sinimulan ko... “mahal mo ba ako?” “huh?” sagot nya... inulit ko... “Mahal mo ba ako?” may diin na ang bawat salita at dahan dahan... natigilan sya, gulat...di alam ang isasagot. “Kasi mahal kita” sabi ko. May gusto syang sabihin pero di nya masabi ng diretso. “Im sorry. Pero di pwede” sabi nya. Pinagpawisan ako ng malamig. “Bakit?” tanong ko. “Ayokong maging unfair sayo. At ayokong maghintay ka, pero may fiance na ako sa states...matagal na kami. Di ko lang sya na kukwento sayo kasi ayokong...” di ko na pinatapos ang sasabihin nya. (what am i thinking? Oo nga naman, di ako nagtanong...bakit nya nga naman sasabihin sa akin. Lumalabas kami pero walang kahit ano...FIANCE? amp! Bakit ganon? Joke time ba to? Trip nya lang ata to...friends lang kami ganon?) gusto kong magmura...gusto kong mag-walk out, pero di ko ginawa. Nag tanong ako... “Masaya ka ba?” napayuko sya... “sa kanya? Oo Masaya ako...” “ganon naman pala eh...masaya na din ako para sayo...” (habang nananagilid ang luha ko habang binibigkas ang mga katagang yun) “Im so sorry...dapat nung una palang sinabi ko na sayo” sabi nya... “di mo kailangang mag explain, ako tong nadala sa kabaitan mo at nag-assume na merong namamagitan sa atin...kahit wala naman pala talaga.” Sabi ko. “Nasasaktan ba kita?” (Putang ina! Pasintabi lang ah...tinatanong mo ba talaga ako nyan? Pero hindi kalmado lang) “Oo, pero ayos lang...di mo naman kasalanan. Ako tong tanga at naging duwag na itanong to nung una palang...” mahabang katahimikan ang bumalot sa amin ng gabing yun... niyakap nya ako. Tumulo ang luha ko ng di ko man lang namamalayan. “I really really sorry... di ko sinasadyang saktan ka.” Walang salitang pumasok sa isip ko. Blanko. Pero ang luha ko ang magsasabi kung ano ang laman ng puso’t isipan ko ng mga oras na yun. Matagal bago nya ko binitawan. Nalaman ko nalang na umiiyak din pala sya. Pinilit kong gumuhit ng ngiti sa aking labi habang naka yuko sya sa harap ko. Hinawakan ko ang kamay nya at napatingin sya sa akin, bitbit ang ngiting bagkos mahirap ay masasabing ngiti ito ng realidad at katotohanang magpuputol sa tinatagong pag-ibig namin sa isat-isa. Ngunit mananatili pa din ang pagkakaibigang nabuo sa amin dalawa. Minsan na nya akong sinaktan nung elementary, pinagisip nung high school, pinasaya nung college at ngayon hinarap sa katotohanan ng buhay. Siguro nga di sya laan para sa akin... kasi sya ang guardian angel ko, na nagbibigay ng challenge sa malamya kong mundo. Kung di dahil sa kanya malamang di ako ngayon ganito. Ngayon Masaya siya kasama ang asawa nya. Ako hinahanap pa din ang tamang tao para sa akin. Alam ko nandyan lang sya sa paligid hinahanap din ang isang tulad ko.

Nawawala...


Panibagong yugto nanaman ng buhay ko ang matatapos. Di ko man lang napansin ang takbo ng oras. Ngunit ang tanging napansin ko ay ang lungkot dala ng pagkawala, saya ng dahil sa kaibigan at pangungulila ng dahil sa minamahal.

Eto ako ngayon, mukhang masaya, pero sa kabila ng ngiti ay nagtatago ang takot na aking nadarama. Takot na di ko mapaliwanag kung saan naguugat. Napagiiwanan na nga ba ako ng panahon? Bakit ako ganito magisip? Sino na nga ba ako pagkatapos ng 24 na taon ko sa mundo? Nakakagulat na tinatanong ko ang lahat ng ito sa aking sarili...
May mga taong kilala akong masiyahin, palabiro at di kaseryo-seryoso sa buhay. Tama sila isa nga akong taong ayaw isipin ang mga problema, ayokong magisip ng mga bagay na ikakalungkot ko o ikakagalit ko... pero nalaman kong di pala ako ganon kagaling magtago ng isang kaisipang walang makakakita sa kabila ng maskarang suot ko sa tuwing ako’y tatawa o magbibiro...

Nababaliw na nga siguro ako para gawin ko tong talatang to... sa totoo lang wala din naman ako sa tamang kaisipan ng gawin ko tong BLOG ko na to eh... umaasa kasi akong may makikinig sa laman ng kaisipan kong di ko alam kung naiintindihan nga ba ng mga tao sa paligid ko. Naghahanap nga lang talaga ako ng mga taong makakaunawa sa kabaliwan kong to.

Sa tingin ko kasi ang bawat titik na aking binubuo para maging isang salita ay di sapat para maipahayag ko ang aking damdamin... ngunit sa kabilang banda... eh ano ngayon? Kung walang makaunawa? Ang isa kong personalidad bilang isang manunulat ang nagsasabi sa aking ilabas ko ang tinig ng aking isipan sa isang bagay na alam kong ako lamang ang nakakaunawa... ang mga tao sa paligid ko ay isa lamang estrangherong magbibigay ng opinion sa aking pagkatao ngunit ako pa din ang masusunod kung ano ang aking iisipin at gagawin...

Di man maniwala ang lahat sa pahayag kong ito pero iilang tao pa lamang ang nakakaalam kung sino talaga ako bilang ako sa haba ng panahon... maaring di nila lubusang kilala ang “AKO” ngunit sa kabilang banda ang ma-opinyong pagkatao ko ang nagsasabi kung sino talaga at kung anong klase ng salita ang tunay na kahulugan ng bawat letra at salitang lumalabas sa aking isipan. Ang seryosong bahagi ko ay nakikita lamang sa aking mga tunay na pinagkakatiwalaan, ang simpleng ngiti at bungisngis ng isang tao sa harap ko kapag ako ay nagbibitiw ng salita ay nagbibigay ng kahulugan kaagad sa akin na ang taong ito ay di kayang intindihin at sabayan ang aking pinaniniwalaan at di dapat pagaksayahan ng laway na tatalsik sa oras na akoy nagpapaliwanag. Ang kagaguhan ng mga tao minsan ang nagbibigay ng sariling kaisipan kung ano ang nakikita nila sa aking pagkatao. “What you see, is not what you get coz what you see is the representation of yourself mocked by yours truly” yan na siguro ang isa sa mga talent kong di alam ng ilan. Ako ay isa lamang ordinaryong tao. Ang mga salitang “REPLICA” at “sinosidenz” ay di lamang nabuo dahil sa wala, kundi ito ay isang pilosopiya at paniniwala ko na ang bawat kaharap kong tao ay dapat makita ang kanilang sarili sa aking pagkatao. Ako ay isa lamang ordinaryong taong nagbibigay ng opinion, ngunit ang opinion kong di nakikita ng iilan ay naiipapakita ko sa aking galaw, salita at pagiisip. Ang bawat tawa ko ay may kahulugan, ang bawat salita ko ay may ibig sabihin. Di ako propesyonal sa pagiisip, ngunit tulad ng iilang pilosopo ako ay may sarili ring paniniwala sa buhay. Ang mga taong nakapansin sa aking natatanging talento ay masasabi kong totoong tao. Ang mga taong di man lang napansin ang kabilang bahagi ko ay di man lang nakita ang kakapiranggot ng aking pagkatao. Magulo ang isip ko minsan, ang mga salita sa aking isipan ay minsan nakakalat lamang. Ang pagdampot ko sa mga salitang iyon ang nagbibigay sa aking ng ideya upang isulat at ipaalam ang mga bagay bagay sa mga taong matyagang nakikinig sa aking hinaing. Di ako perpekto, di ako manunulat na kakalkalin ang inyong isipan upang ipakita ang nais nyo lang makita. Isa akong manunulat ng kung ano ang nakikita ko at kung ano ang totoo. Kaibigan akong maituturing ng ilan ngunit lason din akong maaring pumatay sa mga taong nais akong tapakan. Kung ano ka sa harap ko ay madaragdagan pa yan ng mas malaking bahagi pagkaharap mo ako... kaya kung ano ang nais mong makita yun ang ipakita mo.

Tipikal ang aking pagkatao. Ang pilosopiya ko ay maari mong sang ayunan o hindi ngunit ang paniniwala ko ay di mo maaring palitan. Sino nga ba si DENZ? Ano nga ba ako sa buhay mo? Bakit nga ba ang drama ko ay maaring drama din ng iyong kaisipan? Bakit marami akong nalalaman sa isang pagkataong di ko man pa nakikilatis ngunit tumatama? Bakit? Dahil ang bawat salitang iyong minumutawi ay isang bahagi ng iyong pagtaong aking nakikita na di mo napapansin.

Ikaw kailan mo nga kaya ako makikilala?

Monday, November 29, 2010

Patawad


May mga bagay na mahirap sabihin...
May mga salitang nais na lamang itago sa sarili,
Bakit ba napakahirap sabihin ang mga salita sa taong pinapahalagan mo ng sobra?
Yung simpleng salita na di mo mabanggit dahil sa natatakot kang makita ang reaksyon nang kanilang mga mukha.

Nais kong magpasalamat. Nais kong humingi ng tawad.
Nais kong ipakitang importante ka sa buhay ko pero...wala akong lakas.
Masaya akong nakilala kita, kahit na nung una ay di tayo masyadong magkasundo.
Akala ko isa ka lang sa mga taong dadating at mawawala. Pero bakit hinihintay kitang bumalik?
Gusto kong umiyak. Ngunit ang mga luha ko’y nakadikit sa pisnging ayaw magbigay.
Siguro nga’y hinubog na nang panahon ang mga sandaling ang luha ko ay muli na lang babagsak sa taong mahal ko. At hindi ikaw yun. Dahil di kita mahal...

Mahal ko ang mga kaibigan ko...pero iba ka. MAHALAGA ka sa akin. Tama nga siguro ang isa kong kaibigan ng minsan nyang banggitin ang katagang, “Maaring sabihin ng isang tao na mahal ka nila, ngunit kalian ka kaya nasabihan ng isang tao kung gaano ka kahalaga?”
Mahal kita bilang kaibigan ngunit ang halaga mo sa buhay ko ay iba...
Parang pakiramdam ko ikaw lang ang kailangan ko kapag nasa gitna ako ng panganib.
Maaring di ka maglaan ng oras lagi sa akin, pero ang makita ako at ang paghahangad mong magkita tayo kaagad ay iba.

Pinahalagahan mo ako sa paraan na kaya mong maipakita.
Binigay mo ang kaya mong maibigay upang makita ang ngiti sa aking mga labi.
Ang luha mo na nagsisilbing hudyat ng kagalakan ang siyang nagpupuno ng luha sa aking mga matang ayaw bumagsak.

Pasensya ka na kung di mo makita.
Pasensya na kung di ko masuklian sa ngayon ang mga bagay na binibigay mo.
Pasensya mahina ako para iparamdam sayo ang mga bagay na hinahangad ko para sa atin.
Pasensya na wala akong maibigay sayong mga bagay na magpapangiti sayo.
Kahit ang simpleng yakap ay pinagkait ko pa.
Ang simpleng salita ay di ko pa mabigkas.
Ang mga nasa isip ko ay kailangan pang dumaan sa pagsulat sa isang lugar na wala naman talagang nakakaintindi.
Pasensya na makasarili ako, manhid at mahina.

Patawad dahil itong salitang ito ay di ko pa masabi sayo.
Naramdaman ko ang lungkot sa iyong mga salita.
Ang hangin sa iyong bulong na minsan ng nagpangiti sa ating pagsasama.
Salamat sa’yo nabuo ang mga oras na akala ko wasak na.

Wala man akong maibigay sa’yo sa ngayon...asahan mong ako ang unang sasalo sa mga luha mo sa oras na ikaw naman ang nangailangan ng balikat para sandalan.
Manhid ako...oo inaamin ko. Pero kahit papaano, alam kong magpahalaga sa isang taong tulad mo.

Salamat...patawad.


Ddkted to my BESTEST Friend.
“sana lang alam mo kung sino ka...” -sinosidenz

Tuesday, November 23, 2010

Guho



Bakit sa tuwing akala mo ayos na ang lahat para sa’yo
ay biglang may maiiba...may magbabago.
Ang pagbabagong di mo inaasahan
hanggang sa ikaw naman ang masaktan at masugatan.
Yung oras na akala mo wala na pero meron pa pala.

Yung sakit ng kahapon na minsan mo ng tinakasan, tinakbuhan...tinaguan
Pero hindi, hindi nandito pa rin ito...
Nagaabang, naghuhumikahos makahanap lang ng dahilan upang muli kang madapa.

Tibay ng loo bang kailangan
Sakit ng dibdib at kirot ng puso ang puhunan tungo sa di mapaliwanag na sakit...
ng naghihimutok na damdamin.
Masakit, mahirap ngunit walang ibang paraan.

Minsan na akong nasaktan at muli pang masusugatan
Ng mga punyal ng di mapaliwanag na sistema ng lupang di ko malaman kung saan nagsimula.
Bakit may mga taong dapat lagi na lang silang bida sa isang eksena?
Kahit na alam nilang di sila kasama?
Mahirap humanap ng kasagutan sa gitna ng dilim at mga asong nanggagalaiting lapain ka.

Wala kang magagawa kundi ang manahimik
...at isiping minsan isang araw ay di ka tutulad sa bulok na pamamalakad
ng mga yumuyurak sa kaunting kasiyahan ng tao.

Thursday, November 4, 2010

Pilosopiya ni Denz: Sa Pananaw ng mga ibang Tao


Ang tao ay likas na mapagmasid, madaming pananaw at opinyon sa bawat paksa... maaring maganda, pangit at masyado ng pakilamero’t pakilamera sa mga opinion ng bawat tao. Ang nakakalimutan ng bawat isa sa atin ay ang OPINYON ng bawat isa ay di maaring maging tama at mali base sa kung sino ang nagbabasa, nakikinig at umuunawa. Sa makatuwid walang maling opinion bagkos maling pagkakaintindi lamang tungo sa opinion ng nagsulat o nagsalita. Maraming tao ang nagtataka kung ano nga ba ang takbo ng utak ng isang tulad ko. Dahil ako yung taong mahilig mangasar, manlait at mangutya sa mga taong napapansin ng aking paningin. Di na ako magmamalinis at di ko itatago ang tunay kong kulay para lang paboran ng mga taong nagpupumilit na baguhin kung sino man ako ngayon.

Ako si Denz, kung sino man ako sa paningin mo ay maaring binubulag ka lang ng iyong mga mata. Di ako mabait, di ako mapagbigay...ngunit masasabi kong di ako nangiiwan sa ere sa oras na kailangan mo ng tulong ko. Dapat mo lang malaman na ang tulad ko ay madami ding ginagawa tulad ng madaming tao. Marunong din akong tumawa, umiyak at magalit. Tao lang ako...nasasaktan, nasusugatan, may damdamin ding nakakalimutan ng iba na maaring magdalamhati sa oras na kinakailangan.

Ako si Denz malakas man akong tignan dahil sa bawat ngiti na iyong makikita sa aking mga labi ay parang walang iniindang sakit ang bawat salitang naririnig mula sa mga taong may ibang layunin sa bawat bigkas ng mga letrang namumutawi sa kanilang matatas na dila.

Ako si Denz, matalim ang tingin, masakit magsalita, masakit sa pandinig pag ako ay bumuga na ng mga salitang di mo ninanais madinig...ngunit ako din si Denz na sa bawat letrang lalabas din sa aking bibig ay nagiisip kahit na galit ay pinipili nya ang bawat salitang maaring makapagpahilom sa sugat ng kahit sinong makakarinig o maaring punyal na sasaksak sa iyong dibdib.

Ako si Denz, mahina, marupok, nasasaktan. Ang bawat idelohiyang mababasa mo sa bawat pindot ko sa kahong de makinang ito ay ang totoong ako. Masakit man ako magsalita ngunit ang bawat salita ko ay may basihan at di lamang dala ng damdaming binubulag ang bawat pananaw ng aking isipan. Maaring sumang-ayon o bumalikwas ka sa pananaw na kung ano man ang binabanggit ko sa ngayon, pero isa lang ang iiwan ko sayong tanong... “kilala mo nga kaya ako?”

Sa bawat pangungusap ng aking buhay, madami na ang nagtampo, nasaktan, natuwa at sumang-ayon...ngunit sa lahat ng iyon, walang nagbago sa mga pananaw ko. Ang salitang impluwensya sa isang tulad ko ay di nabuo. Ang pilosopiya ko ay binuo ng panahon, eksena at oras ng buhay ko at hindi base kung sino ang nagsalita at nakausap ko. Maaring sumang-ayon ako sa pananaw mo, ngunit hindi ibig sabihin nun ay parehas na tayo ng pagkakaintindi sa mga bagay bagay.

Ako si Denz, ang buhay ko ay isang malaking libro ng tadhana. Para sa akin ang bawat tao sa buhay ko ay dadating at muling mawawala sa takdang panahon. Masama man sa pandinig mo ang mga sinabi ko ay wala akong magagawa. Tulad ng binggit ko sa itaas...ang opinion mo ay di ko opinion o maari mang may kaparehas kang paniniwala ngunit may isang tuldok ng pananaw nyo sa buhay at sa opinion ng ibang tao na hindi kayo magtutugma. Sarkastiko ko mang babanggitin ang mga ito ngunit ito ang tunay na ako. Una, wala akong pakialam sa paniniwala mo. Kung sa tingin mo ay mali ang paniniwala ko, di ko kailangan pang ipaliwanag ang sarili ko dahil alam kong di rin tayo magkakasundo. At kung ikaw naman yung taong sumasangayon sa kin, pasensya na pero maaring sumangayon ka sa ngayon pero di sa lahat ng oras, samakatuwid magkaiba pa din tayo. Kaya kung may sasabihin kang di naman sang-ayon sa aking pananaw mas maganda sigurong wag mo nalang sabihin dahil kahit anong paliwanag mo ay di ko din yan sasangayuanan dahil kung lahat ng tao ay tulad mo, sino na ako ngayon?

Naniniwala akong ang tao ay likas ding sarado ang isip sa mga bagay na ayaw nating madinig. Maaring may mga taong di nanaman sasang-ayon sa mga binanggit ko dahil iisipin nilang ako lang ang may pananaw nun, “napansin mo ba na sa mga oras na iniisip mo yan ay nagiging katulad na din kitang di naniniwala sa sa pananaw ng iba at sumasarado na rin ang iyong isipan?”
Ang paliwanag mo ay di kailangan ng mga taong kaya ng intindihin ang mga tulad ko. Ang simpleng “OO” ay nangangahulugang naintindihan mo ako, at ang salitang “Hindi” ay isa lamang indikasyon na di ka sang-ayon at may sarili kang pananaw. Sa makatuwid di kita pipilitin at ipagsisigawan pa sayo na “AKO ang TAMA at ikaw ang MALI” dahil kailanman walang taong nais maging mali sa bawat OPINYON ng bawat isa...dahil nga sa ito’y isang OPINYON.

Naniniwala akong ang bawat tao ay likas na masama, maaring sa buhay, sa pag-iisp o maaring sa pananaw ng ibang tao. Tulad ko, tulad nyo. Ako ay isa lamang sa milyong-milyong tao sa mundo na may sarilig pananaw. At ang bawat taong na simple na ginagawang kumplikado ay siyang nagiging dahilan ng isang debate. Halimbawa:

Pasahero: Manong Bayad! (Abot ng Bente)
Manong: (Inabot ang bente at nagsakay pa ng ilan pang pasahero sa di kalayuan, nakalimutan suklian ang pasahero)
Pasahero: Manong yung sukli po sa Bente?
Manong: Ay, Bakit di paba kita nasusuklian?
Pasahero: Sa Palagay mo ba manong manghihingi ako sayo ng sukli kung nasuklian mo na ako?

Ito ang isang halimbawa ng mga taong “MATATALINO” ika nga nila na hindi muna iniisip ang susunod na mangyayari bago magsalita ng mga bagay na maaring maging kumplikado sa huli. Ang simple sanang sagot na “Hindi pa po” ay maaring magtapos na nang usapan ngunit dahil sa may gusto pang mailabas na KATALINUHAN at SARILING PANINIWALA sa buhay ang mga taong ganito ay dudugtungan pa ang mga eksenang di naman dapat pag talunan.

Ang gusto ko lang sabihin sa mga taong tulad nito ay “Ang Buhay ng Tao ay SIMPLE at PAYAK, kaya kung anong tanong yun lang ang sagot, walang nagsabi sa iyo na kailangan mong magpaliwanag at ipakita pa sa buong MUNDO kung gaano ka katalino dahil walang nanghihingi nito sayo.” Kung gusto mo talagang ipakita ang katalinuhang mayroon ka ngayon, edi gamitin mo sa paaralan o maaring sa trabahong mas kinakailangan yan, pero sa kabila ng mundo mong yan...hindi sa lahat ng oras kailangan kang maging matalino. Dahil, ayon nga sa mga pulis “ang mga matatalinong tao ang nauunang namamatay” bakit kaya nila nasabi yun? Dahil di nila pinupunto ang salitang MATALINO ay ang mga taong matataas ang grado, sila itong laging umiiksena sa bawat panahon na di naman sila kinakailangan. Sabi nga nila ang sobra ay di na maganda... sa tulad ng pananaw na ito, sumasangayon ako...pero may mga oras ding hindi. Yun ang nais kong sabihin. Di ako perpekto, nagbabago bago ang tingin ko sa mga bagay bagay depende sa mga panahon kinakailangan. Ang mundo ko ay mundo mo din sa sukat, sa laki at hugis nito. Ngunit ang mundo ko ay iba depende kung papaano ko binuo ito. Ang salitang binibigkas ko ay isinasalita mo din, ngunit ang salita ko ay maaring may ibang ibig sabihin ng di mo napapansin. Lahat tayo ay tao. Ngunit ang bawat isa sa atin ay magkakaiba sa bawat pagiisip at nararamdaman.

Ako si DENZ. Wala ng makakapagpabago pa nun. Kung sumang-ayon ka sa mga sinabi ko, bakit di ka muna mag-isip ulit...baka sa isang banda may nais ka ding ipahayag sa lahat na matagal mo ng gustong sabihin. At kung di ka naman sang-ayon. Salamat at naging totoo ka. Ngunit ito lang ang masasabi ko sa’yo kung tingin mo nakilala mo na ako sa mga nabasa mo...nagkakamali ka dahil alikabok pa lang yan ng buhangin sa palad ko.

Kung tinanggap mo ako at nakilala sa mga oras na ito...salamat, ngunit sa huling pagkakataon nais ko lang ibahagi ang nasa isipan ko at pinaniniwalaan ko...ang mga salitang “Baguhin mo ang Ugali mo” na nanggagaling sa ibang tao ay hindi indikasyon na kailangan mong paniwalaan ang iilang taong nagsasabi nito sa’yo, kung nabuhay ka man sa mahabang panahon na sa tingin mo ikaw ay Masaya at maayos at biglang may nagsabi sayo ng katagang ito...mag-isip ka muna bago mo gawin ang bagay na sa tingin mo ay iilang tao lang ang makikinabang at di lahat ng tao sa paligid mo.

Ang importante dito nasaktan ka man o hindi, sumang-ayon ka man o hindi, APEKTADO ka. Ibig sabihin lang nun minsan sa buhay mo naging tulad mo din akong may pananaw sa buhay na minsan ng kinulong ng mundong iyong kinabibilangan.