Friday, December 25, 2009

Sino nga ba ako?


...ito ang gawain ng mga taong walang magawa sa buhay.
pakuyakuyakoy, nakatulala sa harap ng kwadradong teknolohiyang gawa ng malikhaing isip ng mga nilalang na minsan na ding walang magawa sa buhay.

di ako imbentor, ako ay di rin pilosopo, di ako magaling sa kahit anong larangan ng teknolohiya't makabagong pananaw sa buhay.

di ako simpleng tao na lagi nalang sinasabi ng iba.
di ako kakaiba sa paningin ng mga taong huhusga at humuhusga sa aking pagkatao.
ako ay ako... di ko na mababago yun.
gusto mong ipaliwanag kung anong ibig kong sabihin ngunit ang lahat ng lalabas sa aking mga letra ay maaring di paniwalaan ng iyong isipan.
ang paniniwala mong gumagawa ng sariling imahe ng aking pagkatao ang magpapasya kung ano at sino ako sa iyo.

At ikaw?...ikaw ay hindi ko kritiko o imbentor ng aking pagkatao, bagkos ikaw ang aking imahe ng mga pagkatao sa loob ko.
Hinayaan kitang gawin sa iyong isipan kung papaano ako ituring bilang ako.
Kung sino ako sa iyong harapan.

Ang kalayaan ng iyong isipan ang nagbigay buhay sa akin.
Ikaw...ako...maaring magkaiba tayo ngunit sa kabilang banda ng ating kamalayan may naguugnay sa ating dalawa.

Ako ay ako dahil sa'yo.

Dumi ng Buhay


Ang buhay ng tao ay parang TAE, na sa oras na naramdaman mong nasasktan kana at nahihirapan kailangan mo itong tanggapin at iwan sa inidoro ng kahapon.

Dahil sa oras na itago mo ito at tiisin nalang sa mahabang panahon ay lalo kang mahihirapan....masasaktan...
Mawawala ang konsentrasyon mo sa mga gawaing magpapaunlad pa sana ng buhay mo.

At sa oras na naisipan mong ilabas na ito sa maling oras at panahon...
huli na ang lahat, para ipaliwanag pa sa lahat ang mali mong desisiyon.

...ikaw ay wasak, umaalingasaw dahil sa maling desisiyon na minsan ng binigyan ng pagkakataon.

Tatawa ka ngunit ang luha ay hindi maitatago ng manipis na papel na pampahid mo sana sa tae ng buhay at hindi sa matang luhaan.

Wednesday, December 23, 2009

MyNGWKNB?


Madalas nating tanungin ang mundo, kung bakit tayo dapat makaranas ng mga bagay na hindi natin ginusto.
Pagdating naman ng kagandahan nito hindi natin tinatanong kung bakit nga ba din dumadating sa atin ang mga ito.
Minsan ba natanong natin kung pinakinggan natin ang gusto ng mundo?
Ang luha nyang nagsisilbing ulan sa gitna ng tag-araw at kulubot nyang lupang pumapatay sa mga halaman sa ibabaw nito.
At TAYO...puro sarili, pag-ibig at kayamanan ang iniintindi ngunit di natin hinahayaan ang mga mata nating masilayan ang naghihinaing na mundo...kelan pa?
Kung patay na siya at tayo na ang susunod!?

Ano ka sa Mundo?


Sa mundo, di kelangan maintindihan ang lahat.
At di kailangan intindihin lahat ng tao.
Pero ang tanging magagawa natin ay ang makisama sa mundong di natin ginustong makasama at makinig sa mga hinaing nito.
Kung mahal mo ang mundo, dapat matuto kang mahalin ang sarili mo.
Wag mong ipilit ang lahat ng bagay sa utak mo, kung alam mong di mo kakayanin.
Dahil ito ang magiging dahilan ng kamatayan mo.

Alingasaw


Mahirap tanggapin ang katotohanan na sa bawat takbo ng buhay minsan lang nangyayari ang mga bagay bagay.

Kung naging malungkot ka man asahan mong di ito magtatagal at kusang mawawala, gayundin sa kaligayahan.

Kaya ituring nating UTOT ang buhay, ilabas man natin ito sa maling panahon, alam nating darating ang oras na mapapalitan ito ng malinis na hangin, upang muling madama ang tunay na paghinga sa kaligayahan ng buhay.

Kaya wag magtaka kung parati tayong nakakalanghap ng Utot ng Buhay.
Dahil di natin malalaman ang tunay na malinis na hangin kung di natin maaamoy ang baho nito.