Wednesday, December 28, 2011

Confession 5: (Mind, Soul and Heart...breaker)


“The only true painful goodbyes are the one that are never said and never explained”

Di ko masasabing expert ako sa love life. Di ko rin masasabi na tama ang mga pinapayo ko sa mga taong nanghihingi ng payo tungkol sa pag-ibig. Para sa akin panapanahon lang ang mga problema na maaring mahanapan ng solusyon. Pero kung pagiging broken hearted at mga katagang pwedeng magtapos ng isang relasyon ang hanap mo... malamang ako ang pakay mo.

Nakaranas na ko ng maraming relasyong di ko malaman di ko malaman kung ako nga ba ang problema o sadyang di lang talaga kami para da isat isa. Wirdo mang pakinggan pero naniniwala akong di pa tamang panahon para sa akin ang umibig o magmahal. Nandyan yung bestfriend ko na minahal ko pero di naman pala ako mahal, yung dati kong classmate na minahal ko after how many years tapos malalaman ko magpapakasal na pala, yung kala ko mahal na ako ayun pala kaibigan lang talaga kami at yung isa naman puro libog lang. Oo, libog lang. Ang saklap ng love life ko. Meron ngang nakarelasyong matino pero di kalaunan dir in kami nagtagal puro nalang.... “It’s not you, it’s me...” ang drama. “I need time and space.” Kaya siguro naimbento ang intramuros dahil dun may malaking time (City Hall) at space (Golf Course) pero nakakatawa nalang isipin na kahit ilang beses na akong nasaktan kusa paring nagmamahal ang puso ko ng di ko na namamalayan. Bakit ba kasi kapag may naging mabait talaga sa akin sobrang laking puntos na nun para mahalin ko na kagad siya.

Isa akong guro sa isang dalubhasaan sa cavite. Almost 6 months na rin akong namamalagi dun at umupa ng isang maliit na apartment kasama ang mga katrabaho ko sa bahay. Nung una tuwing uuwi ako sa Manila para asikasuhin ang sarili kong buhay ay parang gusto ko nalang iwan ang trabaho ko at tuluyan ng magresign. Pero sa di inaasahang panahon nakilala ko siya sa isang bar sa Resorts World. Di ko alam pero parang ang linis nyang tignan sa paningin ko. Ngumiti siya sa di kalayuan at napalingon ako sa likod para hanapin ang nginingitian nya... wala namang ibang tao kundi ako lang. Ngumiti din ako ng pasimple at agad siyang umalis. “Sabi ko na nga ba eh... hindi ako yun” tinig na na nagmumula sa aking isipan. Ganito ako ditto sa Manila kada uwi ko tuwing sabado galing sa walang sawang trabaho sa cavite kasama ang mga kaibigan ko nung college. Tuluyan ng lumiwanag at nagbabadya na ang araw ng ako’y umalis sa bar. Nakita kong muli ang ngumiti sa akin kanina ngunit may kasama na itong kaibigan. Lumayo ako at naglakad ng pauwi.

Lumipas ang ilang linggo ng hindi ko siya nakikita sa bar na yun. Baka nga dayo lang. Ganun talaga pag bago lang minsan nagbabar hopping na sa malate at timog. Nang pauwi na ako ay may kumalabit sa akin na nagjojogging, punas muna nang konti sa mata dahil sa antok ng makita ko ang isang babaeng nagtatanong ng oras... mukha syang familiar pero di ko maalala kung sino siya. Ang mas wierd pa dito ay bukod sa oras tinanong nya rin kung anong trabaho ko at kung saan. Naiilang man ay sinagot ko lahat ng tanong nya. Pero ang di ko makakalimutan ay ang amoy ng pabango nyang minsan ko ng naamoy sa mga estudyante ko. Agad syang umalis kasama ang aso nya sa pagjojogging. Dahil sa antok umuwi nalang ako at nagpahinga.

Balik trabaho na ulit. Makukulit na estudyante nanaman ang didigmain ko sa buong linggo. Pero nagiba ang mood ko ng maamoy kong muli ang pabangong yun. Agad akong nagtanong kung kanino yun at agad na may nagsabi kung sino. “Anong pabango yan?” tanong ko. “Victoria Secret sir...Vanilla Lace” sabi ng isang estudyante. Agad kong tinignan ang bote at sinubukan sa aking braso... “Shit! Amoy alak... yan ba talaga yun?” sabi ko. “Uo, sir mamaya maamoy mo din ang tunay nyang amoy...maghintay ka lang.” Sabi ng estudyante. Di kalaunan naamoy ko nga ang hinahanap hanap ng ilong kong amoy. Ang bango nya. Kahit naligo na ako nung gabi andun pa din ang amoy nya. Agad akong nagpabili ng ganong klase ng pabango sa isang kakilala at sa tuwing gagamitin ko ang pabangong yun lagi ko syang naalala.
Ilang buwan din akong di nakauwi sa Manila ng dahil na rin sa dami ng trabaho pero di ko ikinalungkot yun dahil na rin sa pagiimagine ko sa kanya gamit ang halimuyak ng isang pabangong di ko alam kung bakit ko nga ba ginagamit samantalang ako ang taong di nagpapabango dati.

Di ko alam kung tadhana o hindi pero nagkasabay kami sa bus isang araw. Papunta daw sya sa kaibigan nya sa Cavite. Magkatabi kami at tuluyan ng nagkakilala. Dun daw tlaga siya nagja-jogging pag umuuwi siya sa tatay nya na nakatira malapit lang dun pero aalis na din. Nagkakwentuhan nalaman kong nagaaral pala siya sa Lyceum ng Engineering at 3rd year na siya. Madami kaming napagkwentuhan lalo na ng malaman nyang madalas ako sa Intramuros. Nang marating na naming ang Dasma. Kinuha ko ang cell number nya at sinabing itetext ko nalang ang number ko. At bumaba na nga siya. Sa di kalayuan ay nakita ko ang babaing ngumiti sa akin sa bar nung nakaraang araw. SHIT! Siya pala yung kaibigan na nakita kong kasama nya nung gabing yun. Sabi ko na nga ba pamilyar sa akin ang mukang yun. Pero huli na ng marealize ko. Dumating ang araw na nagkakausap kami sa text at tumatawag ako sa kanya. Minsan siya ang bumabati sa akin dahil na rin sa sobrang busy ko sa trabaho. Nakilala ko na rin ang kaibigan nyang ngumiti sa akin sa bar. Magbestfriend pala sila. At lalo pa akong nahumaling sa kanya ng makausap ko siya ng personal. Sa cavite yun isang gabi. Nagkita kami sa isang lugar na di masyadong alam ng iba. Malapit sa tinitirhan ng kaibigan nya. Nalaman kong wala pala siayng karelasyon dahil narin kakatapos lang nito at takot pa dw syang magmahal muli. Naintindihan ko yun. At tulad ng dati alam ko na “SANA” ang lugar ko kung di lang siya mabait sa akin. Tuwing nagkikita kami sa cavite feeling ko hindi ko na kailangan pang umuwi ng manila. Ang buong linggo kko ay buo na kahit pa napahirap ng trabaho ko at kailangan pang asikasuhin ang problema ng bawat estudyante. Napansin yun ng mga estudyante ko. May nagsabi pa nga ng “Uy! Si sir kusang ngumingiti...inlove ka noh?” Napasimangot ako at sa di ko malamang dahilan ay natawa ako sa sarili ko. In love nga kaya ako? Isang tanong na pilit kong iniiwasan dahil narin sa mga nangyari sa buhay ko. Siguro oo...siguro hindi. Nagkataon lang siguro. Pero bakit ganon. Parang pareho kong gusto yung magkaibigan? Lalo akong naguluhan.

Sa kasamaang palad nalason ako. Oo...litiral na nalason. Katangahan ba namang kumain ng sirang pagkain eh... agad ko siyang tinext pagkatapos kong makarevive pero kailangan kong umuwi ng manila. Kasalukuyan namang nasa tagaytay sila ng kaibigan nya at may ginagawang importante. Ngiti nalang ang naiganti ko sa mga text nila sa akin. Pero lalo akong naguluhan ng tinext ako ng kaibigan nya. At parang mas alalang alala sa akin. Di ko alam pero alam kong mali ang ginagawa ko.

Nang mga panahong yun sa Facebook nalang kami muna nakakapagusap. Nalaman ko ang mga gusto nya at ayaw dahil narin sa profile nya. Pinuri nya naman ako sa mga artworks ko at pictures na ginagawa sa skul. Ang saya ng mga oras na yun...

Lagi na kaming magkausap sa text, lagi nya akong pinapangiti sa kabila ng malayong distansya ng aming posisyon sa isat isa... Pinapaalala ko ang schedules nya at ganun din sya sa akin. Masaya kami at pilit kong inilalayo sa isipan ko ang kaibigan nya. Lalo na ng malaman kong may boyfriend pala yun. Ayoko sanang magtanong pero sa tagal na naming ginagawa to... Ano ba kami?

“Just because somebody flirts with you it doesn’t mean that they like you.
Just because somebody wants to go out with you it doesn’t mean that they Love you.
Just because somebody Love you it doesn’t mean they won’t HURT you.
Because people change, they lie.
Boyfriends and Girlfriends cheats, friends ditch and
they are always going to be those people who would kill to see you FALL.
The bitter truth... sometimes LIFE SUCKS!” – Jimmylyn


Umalis sya nang di nagpapaalam. Nalaman kong nagbakasyon pala sila ng mga schoolmates nya sa Singapore. Kahit sa facebook di siya nag update. Gusto kong magalit pero BAKIT? Gusto kong magtanong pero ANO? Gusto ko siyang kausapin pero ANO ba KAMI? Di ko alam. All this time I’m just flirting with someone who doesn’t want a commitment with me. Naawa ako sa sarili ng mga oras na yun. Di ko alam kung self pity lang yun or what pero I feel that I’m not that important. Siguro mali akong sanayin ang sarili kong lagi siyang nasa tabi ko. At bakit nga ba ako dapat na masanay eh hindi naman KAMI?... After few weeks I was online and she chatted me. Wala ako sa mood nun dahil na rin sa gumagawa ako ng late periodical exam na deadline na. She wanted to talk about her trip in Singapore without even asking me what happen to me when she is out there enjoying her trip. Yah... I know I’m being selfish that time. Pero di ko masisisi ang sarili kong mainis that time. So I replied to her chat box with just a letter “K”. She didn’t reply back. Afterwards I’m on my ¾ of my exam when she replied.
“Ang tagal kong nawala, excited pa man din akong magkwento sayo and you just going to reply to me... K? Whats wrong with you?”
I was angry that time so I replied “Whats wrong with me? Oh there is nothing wrong with me... baka sayo meron”
“Ang saya saya ko pa man ding makita kang online tapos ganyan ka... nasa mood pa man din akong makausap ka.” Sabi nya.
“Puwes ako wala sa mood makipagchat ngayon. Marami pa akong gagawin” Stupidly answer that Fuckin argument na wala namang katuturan. Then din a siya nagreply.

After that... days became weeks...weeks became months. I feel guilty. Ang babaw para pag awayan yun. I posted to her wall ng message but she keeps on ignoring it. Siguro nga mali na sinimulan ko ang lahat sa maling panahon at oras. Mali na inuna ko ang init ng ulo ko kesa intindihin ang posisyon nya.

Finally, Nagkaroon ako ng pagkakataong matawagan siya. Sinagot nya ang cellphone without even saying hello. So I started. I said “I’m sorry kung inuna ko ang init ng ulo ko. Pasensya kana kung di ako nageffort na puntahan ka, sorry kasi di ko muna inalam kung bakit ka umalis at nung nagkukwento ka pasensya kung nareplyan kita ng mali. Sorry talaga.” At may sumagot sa kabilang linya ng di ko inaasahan. “Sino ba to?” lalaki ang boses. “At bakit mo tinatawagan ang girlfriend ko?” nanlamig ako at agad kong ibinaba ang cellphone ko. Di ako natakot pero nagulat ako. “Girlfriend? Siya may karelasyon nang iba? Bakit? Paanong nangyari yun eh... di ba...” naguguluhan ako nun di ko alam kung wrong number lang ba ako o ano pero di ako natutuwa sa birong yun. Agad kong tinawagan ang kaibigan nya at tinanong kung tama ba ang mga narinig ko. Di kaagad nakapagsalita ang kaibigan nya ngunit inamin nya din sa akin na nakipagbalikan pala ito sa ex nya. Nang mga oras na hindi kami naguusap. Nagsorry daw yung ex boyfriend nya at dahil na rin siguro sa mga nangyayari sa amin kaagad nya itong binalikan. Tumulo ang luha ko ng di ko namamalayan. Tuloy tuloy yun at walang patid na dumaloy ang init ng likido sa aking mukha na nagpapahiwatig ng kalungkutan. Sobrang liit ng tingin ko sa sarili ko na yun. Pinatay ko ang cellphone ko ng di man lang nagpapalam sa sa kaibigan nya. Nakatingin sa kawalan...tulala... nagiisip ng wala. Panibagong kabiguan nanamang mapapasama sa baul ng hinagpis at katangahan. Oo, ka TANGAhan. Pinilit kong ngumiti. “Anong bago... wala naman” bigakas ko sa sarili. Lagi namang ganto ang role ko sa buhay isang PANAKIP BUTAS lang. Pero ayos lang atleast nakakatulong ako sa mga taong nagpupumilit hanapin ang taong para sa kanila habang wala pa ito...” pero sa kabilang banda ng aking isipan... ako’y nanghihina at pilit ikinukubli ang luha at sakit na aking nararamdaman.

“Be brave... even if you’re not. Pretend to be... no one can tell the difference anyway.” – Kaye

Minsan may nagtanong na estudyante ko... “Sir, paano ba ma-inlove?” sabi ko sa kanya “Pag naging importante sayo ang taong yun pero di mo alam kung bakit, yun na yun” sabay may nagtanong pang isa... “Sir na-inlove ka na ba?” sabi ko nalang “Oo, maraming beses na... pero kung ilang beses akong nagmahal ganun din yung daming beses kong nasaktan.” Nagtawanan sila sa sinabi ko... di ko alam pero pawang ngiti lamang nila ang nakikita ko pero wala ng boses... napatingin ako sa bintana. Maliwanag, Malawak at mahangin. Napapaluha na ako nun... pero sinabi ko nalang sa sarili ko na “Di pa ito ang oras ko...mahaba pa ang daan ko, maaring malubak o espalto man yan...madulas o magaspang... maari akong madapa at muling bumangon pero isa lang ang sigurado ko...tatayo parin akong mahal ko ang sarili ko.”

“You will know who I am, when you forget my name” – Jim Paredes

At para sayo...sana Masaya ka na ngayon. No, really I mean it. Minsan din kitang minahal di dahil basta ko nalang naramdaman yun sayo kundi dahil pinaramdam mo sa akin na dapat kitang mahalin... pero kung di talaga tayo para sa isa’t isa ayos lang. Siguro nga di ikaw ang kabiyak ng puso kong minsan ko ng hinanap at muling hahanapin pa. Salamat sa’yo. Dont worry we are still friends. I love you and Goodbye.

“Paano ba namamatay ang isang tao?
Pag binaril, nilason o hindi na huminga?...
Namamatay ang tao pag wala na siya sa puso at isipan ng iba” – One Piece



December 28, 2011
11:23 pm