Tuesday, August 7, 2012

Vanilla Lace 14



“This is my best time of my life... so far” – Homer Simpson

Minahal ko siya, yun nga lang di ko alam kung minahal nya nga ba ako dahil hanggang ngayon isang malaking palaisipan pa rin kung bakit pa rin naming to ginagawa sa isa’t isa.

Minsan na akong nagtrabaho bilang isang guro sa isang paaralan, Masaya ang buhay ko dun dahil mahal ko ang eskwelahan. Simple at alam mong may napupuntahan ang lahat ng pinagaralaln mo depende nalang kung paano mo ito ibabahagi sa iba. Siya ay isang college student, varsity ng volleyball, simple pero kilala sa eskwelahan nila dahil na rin sa magaling ito maglaro. Nagkakilala kami dahil ako ang guro nya sa isang subject. Di ko siya pansin ng una dahil na rin sa busy akong tao at napakarami ng estudyante.

Minsan akong pumasok gamit ang pabango kong Victoria Secret – Vanilla Lace at agad itong napuna ng iba dahil na rin sa amoy nitong napakatamis at masarap langhapin. Sa araw araw lagi ko tong ginagamit kaya alam na ng mga estudyante ko na malapit na ako pag naamoy na nila ang pabango kong ito. Minsan naka tnaggap ako ng mensahe sa di kilalang tao. Sabi pa niya “Ang bango mo lagi” na ikinagulat ko pero di ko pinansin. Dahil ayaw naman magpakilala. Hanggang sa may nagtext sa akin kinabukasan na isang numero ulit na nagtatanong kung ano daw ba yung assignment na ibinigay ko... itinanong ko kung sino siya at agad naman nyang sinabi na siya yung Volleyball player na estudyante ko. At dun nagsimula ang lahat.

Lagi na nya akong sinisendan ng group message nya pero kapag itetext mo at kakamustahin para sabihing wag puro text ay di siya magrereply. Matagal na panahon din kaming naging ganito parang halos di magkakilala samantalang sa loob ng classroom ay lagi siyang nakatingin sa bintana na akala mo ay laging may hinihintay. Na agad ko namang sinisira sa pagsisita ko sa kanaya upang makinig.

Minsan ay wala siguro siyang magawa ay nakipagtext na siya sakin. Di ko namalayan na buong araw nap ala kaming magkatext, nakilala ko siya ng lubos at bakit lagi nalang siyang ganun. Transferee lang pala siya sa school kaya wala siyang masyadong kakilala. Mabait siya at maalalahanin kung iisipin. Ngunit iniisip ko nalang na kaya siya ganun ay paggalang na lang sa isang gurong tulad ko.

Tumagal pa ito ng ilang linggo. At umabot ng ilang buwan. Sabay sabi ng “gustong gusto ko yung amoy mo, parang ang sarap mo pong kagatin” na tinawanan ko lang.

“Inaayos ko ang iyong isipan, ngunit di ka nakikinig, lahat na nang bagay ay aking ginawa ngunit wala parin...”

Minsan kapag papasok na ako sa room nila inaabangan niya ako sa hallway... at sinasabayan nya ako. hanggang sa pag alis ko ng classroom sasabayan nya parin ako. Hindi na siya nakatingin sa labas lagi... nakikinig na siya sa lesson ko. Kapag nagpapaquiz ako at mababa siya mag aanounce lang ako ng “Kasi mag ARAL ng hindi bumabagsak” maya maya lang ay may marerecieve na akong message na “Sorry napuyat po kasi ako kagabi eh T.T” na ngingitian ko lang.

Simula nun din a ako mapakali kapag wala siya sa klase ko at siya di rin siya matigil sa kakatext kapag may sakit ako. sa kanya ko lang naranasan na magpaload ng madaling araw para lang makapagreply. Alam kong mali tong ginagawa ko. Alam kong may nabubuo ng di dapat. Pero di ko rin alam kung paano ito nangyari at kung paano ko pipigilan.

“If one does not understand your SILENCE, S/he does not deserve your words.” – Paulo

Minsan ko ng sinubukan, buong araw siyang nagtetext pero di ko sinasagot, sa school kung anong tanong nya yun langdin ang sagot ko. Di ako gumamit ng pabango dahilan upang ipagtaka nya kung bakit iba ang kilos ko. Lumapit siya at nagtanong “May sakit kaba? Bakit ka ganyan ngayon?” na may kasamang pagaalalang tono at mapungay na mata. Di ko sinagot at agad akong umalis. Pag balik ko sa table ko sa faculty may nakita akong isang papel na may nakasulat na “Sorry” at may kasamang chocolate na favourite ko (Dark Chocolate with almonds) kahit walang nakalagay kung kanino galing alam ko na kung saan to nagmula dahil na rin sa penmanship nya.

“Ilang beses ko bang sasabihin na wala nang kwentang nakaraan, pero iyong pinipilit”

Minsan naissue ako na may crush daw akong isang Volleyball player na ikinagulat ko. Yun pala ang tinutukoy nila ay yung captain ball nila, di ko pinansin ang issue dahil alam kong close lang kami ng isang to at talagang nagkakasama kami dahil na rin parehas kami ng interest na ikinaselos (ata) ng isa. Di na siya nagtetext ng goodmorning sa umaga, din a rin akong pinapadaanan ng GM’s nya sa school lagi nalang siyang wala. Na di ko naman pinansin. Pero isang araw... nagkasalubong kami sa hallway kasama ang kaibigan nya, lahat sila bumati sa akin pwera lang sa kanya, nakayuko at di na ako pinapansin. Di ko alam pero nasaktan ako. kaya tinext ko siya kinagabihan.

“Musta? Tagal mong di nagparamdam ah” sabi ko na makailang beses kong sinend.
“Kilala mo pa pala ako” sabi niya, “Oo naman... bkit namn kita di makikilala???” sagot ko.
“Kasi kay CAPTAIN BALL kana ngayon” sabi nya.
Isang malakas na tawa ang natanggap nya mula sa akin ng mabasa ko to.
“Nagseselos ka ba?” sabi ko.
“Hindi, at bakit ako magseselos... Bleh!” sabi nya.
“Ah okie. Di naman pala eh... by the way aalis kami ni Capt.ball nyo sa sabado” pangasar ko.
Na di nya nireplyan ng ilang oras.
“oh bkit di kana nagreply?, may nasabi ba akong di maganda?” tanong ko...
“Oo na! Alam ko. Anong gusto mong sabihin ko? Ingat ganun? Oo, nageselos ako... manhid ka ba talaga? Teacher pa man din kita taz di ka marunong magbasa ng isip ng tao... oh yan Masaya kana?” sabi nya.

Nagulat ako sa text nya at nabura ang ngiti ko sa labi.

“Ikaw lang ang nais kong makasama wala na akong gusto pang balikan, kahit akoy papiliin ikaw ay umasang gusto kong makapiling”

“Things never happen the same way twice” – Narnia

During their practice nagpalagay ako sa locker nya ng isang brown envelope na may 3 chocolate sa loob at sulat na nagsasabing “Kainin mo lahat ng yan ah, ayaw kong nagugutom ka sa practice mo”

Nagtext siya sakin na “Kinain ko na po” pero yun lang.
Kapag nagtetext siya puro GM nalang, pagnagtatanong ako... minsan nya nalang sagutin. Lalo na kapag nahuhuli nya kaming nagtatawanan ng Capt.ball nya. Tititig siya ng masama sabay aalis.
Lalo pa siyang nagalit ng malaman nyang parehas kami ng pabango ng Capt.ball nya. Akala nya daw kasi ako yung nasa likod nya nung isang araw kasi naamoy nya yun ngunit paglingon nya ay kung capt.ball na pala nila.
“Lagi nalang tayong nag-aaway, kahit di dapat pagawayan, tuwing ika’y lumuluha ako’y nasasaktan pag nakikita kang ganyan, sige na tahan na, dahil mahal na mahal kita...ikaw lang kasi maniwala ka.”

Ikinabahala ko ang grades nya. Lahat na halos ay bagsak. Pagpumapasok ay agad ding lalabas. Agad ko siyang kinausap ng masinsinan sa isang kwarto.
“Ano bang nangyayari sayo?” tanong ko...
“Dahil ba to sa akin?” sinundan ko kagad na tanong.
“Bakit kung tungkol ba sa atin to may paki alam ka?” Sagot nya.
“Oo naman... ano bang problema NATIN?” tanong ko.
“Wala alam ko namang lokohan lang tong gingawa natin.” Sabi nya.
Kahit alam ko na ang gusto nyang sabihin ay nagtanong pa rin ako. “Anong sinasabi mo?”
“Alam kong di pwede kasi teacher kita at student mo ko, kaya ngayon palang inilulugar ko na ang sarili ko” sabi nya.
“So kung yan man ang nasa isip mo eh bakit mo kailangang ibagsak ang mga exams mo? Sa tingin mo sa ginagawa mong yan maiiwasan mo ako? Lalo mo lang kinukuha ang atensyon ko.” Sagot ko.

Matagal na katahimikan. Walang gustong tumingin sa aming dalawa.
Binasag ko ang katahimikan ng sabihin kong may klase pa ako.
Bago pa man ako makalabas ng pinto agad nyang tinanong sakin...
“Minahal mo ba ako?” na agad kong ikinatigil... nabigla ako.
“Aalagaan kita, di kita iiwan... pero di ko alam kung mahal kita” dugtong niya pa.
Di ako sumagot dahil ayaw kong magbigay ng sagot na pagsisisihan ko bandang huli. Lumabas ako ng pinto dahil na rin sa sakit na nararamdaman ko. Di ko gusto ang nararamdaman ko dahil alam kong mali.

Simula nun ako na ang kusang umiwas. Ako na ang nagpapalit ng shift. Ako na ang di nagrereply.
Duwag akong maituturing... ngunit ayokong guluhin ang munti niyang isipan pagdating sa larangan na ito. Madami pang iba dyan at di ako yun. Mahal ko siya pero sa maling panahon at oras.

“Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan nandito lang ako laging umaalalay hindi ako lalayo, dahil ang tanging panalangin ko ay IKAW” – Kundiman by Silent Sanctuary.

Umalis na ako sa school na yun. Ngunit di ko maiwasang maalala siya.

Minsan nagtext siya sa akin muli pagtapos ng mahabang panahon. Nangangamusta. Sinagot ko naman na ayos na ako at may iba nang trabaho sa ibang eskwelahan. Sa mga oras na yun di parin nawawala sa kanya ang pagiging sweet sa akin. Pagmay sakit ako pinapagalitan nya ako. Pag di ako kumain ng hapunan nagagalit din siya. Parang kami na hindi. Pero nang tanungin ko siya kung mahal niya nga ba ako... sabi nya “Tapos na yun wag na nating ibalik”

“Ibibigay ko ang lahat, pati na rin ang iyong pangarap...sasamahan kita kahit saan...”

Tama ba naman yun? Anak ng puto’t kutsinta naman... ang sweet nya sakin at maalalahanin taz kapag tinanong mo ng ganun ang isasagot wag na nating isipin yun? So ano tong ginagawa namin? Hayz... di ko na alam kung ano pa ang papaniwalaan ko sa mundong to. Ayoko na sang umasa pero siya tong nagsasabi na maghintay lang ako.

Hanggang ngayon ganito parin ako. Nalaman kong may karelasyon na siya pero nagkakatext pa rin kami. Di ako nanggugulo o ano pa man. Usap kaibigan nalang kami ngayon, tinuring ko nalang siyang bestfriend ko na kaya niya ginagwa ang lahat to kasi magbestfriend kami. Oo sinungaling kami sa isat isa, pero mas ayos na to kesa mapunta pa sa wala ang lahat.

Sabi nya pa... “Alam mo bagay sayo yung kantang 14 ng Silent Sanctuary dahil kanta natin yun.”