Monday, October 25, 2010

Confession


Bakit kaya napaka unfair ng buhay?
Kahit na alam mong maraming mangyayari na hindi pwede eh nangyayari pa rin kasi nga ginagawa mo. Bakit kelangan pang may masaktan? Alam kong wala akong karapatan para masaktan sa mga bagay na alam kong di naman ako kabilang pero, bakit ganito? Mamamatay na ko sa lungkot ng buhay ko...sana lang may isang tao dyan na makakaintindi kung sino at ano ang tunay na nararamdaman ko.
Yup! Siguro nga, tama ka, in-love nga ako...problema kaibigan ko siya, sa totoo lang wala kaming kuneksyon sa isat-isa as in wala, pero nangarap na ako na sana isang araw makilala ko siya kahit na di kami maging close, ayus na sa akin yun. Pero sabi nga ng iba “Ang di mo inaasahan na dadating ay dumadating sa buhay ng di mo inaasahan”. At yun nga ang nangyari. Nagkakilala kami, dahil na rin sa mga “common friends” namin, nang mga oras na yun, nagdampi ang aming mga palad sabay bulong sa sarili “Kung panaginip lang ito sana di na ako magising” (Take note kamay pa lang yun!). Dumating ang araw ng enrolment, di ko inaasahan na magkakasabay kami, binati ko siya kahit na alam kong di naman nya ako papansinin, pero nagkamali nanaman ako, ngumiti siya sabay sabi ng “Hi!” wah!!! Lalag yung brief ko ng mga oras na yun. (di naman ako patay na patay sa kaniya pero di ko inaasahan yun!) Nagulat talaga ako at napangiti nalang...at dun nagsimula ang magandang samahan.
Minsan... (Gosh! Di ko na matandaan kung saan kami unang nagkasama, ah tama! Sa building kung saan magkatabi lang ang room naming parehas, yun pala yun...ok tuloy ang kwento...) minsan nagkaayayaan kami maginuman at kantahan kasama ang mga kaibigan at doon na talaga nahulog ang loob ko sa kanya. Minsan na din siyang natulog sa amin kasama ang iba pang kaibigan at ganon din ako sa kanila, pero di ko pa rin lubos maisip na ang taong pinapangarap ko ay nandito nasa harap ko natutulog, sa pagtitig ko sa kanya saka ko lang lalong napansin na maganda niyang mga mata at ang labi niyang napakasarap halikan, pero ooppsss!!! Censored yan! Napabulong nalang ako ng “Bakit ba kasi ang galing nya sa napakaraming bagay? Girlfriend Material nga talaga siya!” ewan ko ba, baliw na nga ata talaga ako ng maisip kong mahalin na sya ng lubos. Di ako handang masaktan, di rin handang umiyak pero pinasok ko na ang mundong di ko alam kung makakalabas pa ako.
Dumating ang oras na kailangan na akong kabahan, may pinakilala siyang lalaki. Kala ko BF nya. Nagselos ako ng di ko inaasahan, pero BF nya nga dahil Best Friend nya daw yun. Pero iba ang kutob ko. At sa kaunting panahon nalaman ko ang totoo sa lalaking tinuturing niyang best friend na may pagtingin din sya sa minamahal ko.

“Habang may pagkakataon na masabi mo sa taong mahal mo na mahal mo sya, sabihin mo! Dahil baka isang araw magsisi ka dahil may nahanap na syang iba.” –raki

Gusto kong magalit ng mga oras na yun, gusto ko siyang suntukin at sabihin sa kanya na ang kapal ng mukha nya! Sa akin pa!? Pero sino nga ba naman ako? Isa lamang akong HAMAK na KAIBIGAN at di tulad niya na alam lahat ng sikreto ng pinakamamahal ko. Gusto kong umiyak di dahil alam kong talo na ako sa laban, oo nga lamang siya, pero madami pang paraan...alam kong may pagkakataon pa.

Minsan nagkausap kami ng mahal ko sa telepono. Nagkakwentuhan sabay pasok ko ng topic tungkol sa nagugustuhan nya. Nakita na daw nya yun, lahat daw ng katangian ng lalaki nasa kanya na, wala akong ibang nasabi kundi “Talaga? Ang swerte naman ng lalaking yun” sabay banggit ng pangalan ng best friend nya. ARAY! Kung pwede lang magreact sa sinabi nya...gusto kong magmura, gusto ko syang bagsakan ng telepono o kahit sabihin man lang na “Pwede pakihinaan?” pero bakit nga ba talaga ako nasasaktan? Totoo nga bang nasasaktan ako dahil may mahal na syang iba o dahil sa lumalaban ako sa gyera ng walang dahilan at patutunguhan? Di ko sinasabing nageexpect ako sa kanya, tanggap ko na rin na dadating ang oras na to pero di ko inaasahan na sa mga oras ding yun ko na malalaman ang lahat. Pagkatapos ng gabing yun di ko namapigilan ang luha ko kahit saan ako magpunta, para sa akin ang di ko sya makita at makausap sa isang araw ay kulang para sa akin. Lahat ng gusto nyang tugtog sa radio naririnig ko lagi, kahit saan ako lumingon mukha nya ang nakikita ko.

“Kala ko ang pinakamasakit, eh yung malaman mong may mahal ng iba ang taong mahal mo, di mo lang alam na mas masakit na alam nya nang mahal mo siya pero pinagsisigawan nya pa rin may mahal syang iba” – pastora

Oo umiiyak pa din ako hanggang ngayon habang sila nagsasaya...wala akong magagawa mahal ko eh! Lahat ng ikakasaya nya gagawin ko.

Minsan nga nabanggit ko ang lahat ng to sa kaibigan ko sabi nya “Pre, kung may pagkakataon ka pa gawin mo!” sabay tanong ng “Papaano?” sabay tanong ulit sa akin ng “Gaano mo ba siya kamahal?” ang sabi ko “Kulang pa ba na ipinaubaya ko siya sa iba kahit na alam kong masasaktan ako at may pagkakataong agawin ko siya!?” Napatungo siya...napaiyak ako... “Pre, mahal mo nga” sabi nya.

Minsan di ko na alam ang ginagawa ko. Nagsulat ako ng mga bagay tungkol sa kanya, sinabi ko lahat ng mga bagay na gusto kong malaman nya, lahat ng gusto kong sabihin. Wirdo man pero tama ka umiiyak ako at sa bawat patak ng luha ko sa papel ay ang katumbas ng pagmamahal ko sa kanya. Naisip ko...nababaliw na nga ako. Dalawang araw bago ko ibinigay, isang linggo akong di nagpakita o nagparamdam sa kanya, walang text o kahit ano pa man na magpapaalala sa akin tungkol sa kanya. Binura ko lahat ng text nya pati narin number nya, tinanggal ko na lahat...pero anong nangyari? Wala! Lungkot, sakit at dalamhati lang ang dinanas ko. Ang tanging hanggad ko lang naman ay ang marinig ko sa kanya ang mga bagay na maaring magpagaan ng loob ko kahit na malaman kong di nya ako gusto at wala siyang nararamdaman sa akin. Pero sa palagay ko, isa akong malaking biro sa kanya. Simula nun ayoko ng makarinig ng kahit anong bagay na nagpapaalala sa kanya, di dahil ayokong matalo o ayokong lumabas na luhaan sa laban na to, ayoko lang madagdagan pa ang sakit sa puso ko. Sabi ko nga, siguro masaya na yun ngayon, di ko kasi kayang magbigay ng mga materyal na bagay sa kanya tulad ng ginagawa ng best nya...di rin ganon katalino tulad ng best nya...at di rin ako ganung may itsura tulad ng best nya. Ako lang naman eh yung taong madrama ang buhay sa kabila ng pagkabigo...sana pala di ko nalang siya nakilala, sana di ko nalang siya minahal. Sana natapos nalang ang lahat sa batian at kawayan ng walang namumuong malalim na relasyon, sana tinanggap ko nalang na kaibigan nya lang ako, sana nilaan ko nalang sa iba tong puso ko...pero wala MAHAL ko eh! Bwisit na buhay to!!! Sabay dinig ng paborito nyang kantang “As soon as my heart stops breakin and tears are fading, soon as forever its true, i’ll be over you!” pero hindi...gusto ko sanang sabihin na “Minahal kita alam kong di mo kasalanan yun, ako yung TANGA!, ako tong BOBO! Ako nalang lahat! Pero ikaw lang ang taong nagturo sakin kung papano lumaban at umatras sa laban na matagal ko ng pinaghandaan, ikaw lang ang taong minahal ko ng lubos, di tayo nagkasama ng matagal pero minahal kita ng higit pa sa buhay ko, pero papaano? Wala ng panahon, wala ng pagkakataon.

“Dapat mong malaman na ang taong nagmamahal ay di dapat laging matapang. Dapat malaman na ang tunay na nagmamahal ay alam kung kailan dapat sumugod at kailan dapat umatras!” – Mr. Richard Yanzon, Literature Professor.

Lumipas ang ilang linggo, nagusap kami sa txt, na-miss nya daw ako, pero siguro nga manhid na ang puso ko...kaya sabi ko “Tlga? thnx” yun lang ang nireply ko. Ewan ko siguro i’ve been busy those days kaya di ko kaagad napansin na nagtxt sya sa akin na nag-cool off daw sila ng Best Friend/Boyfriend nya. Kailangan nya daw ako, kailangan nya daw ng kausap. Pero di ko matiis, pinuntahan ko siya. Agad nya akong sinalubong at umiyak. Pinalakas ko ang loob nya. Sabi ko pumunta ako dun bilang kaibigan hindi kung ano pa man...alam nya daw yun sabi nya, pero sinabi nya rin na kaya daw ako yung tinawagan nya di dahil upang gawing panakip butas o para saktan pa ako, kung alam nya lang daw na nung araw na binigay ko yung sulat at nabasa nya, sabi nya bakit noon ko lang daw binigay? Ang tagal nya daw naghintay na sabihin ko yun sa kanya, pero natakot siyang mali ang akala nya, kaya ngayon natutunan nya na ding mahalin ang best/boyfriend nya, di dahil sya yung nandyan sa tabi nya kundi dahil yun ang dapat. Di daw sya yung tamang babae sa buhay ko, dahil puro sakit lang daw ang maiibigay nya sa akin. Napangiti ako dahil tanggap ko. Sa totoo lang natuwa ako sa mga sinabi nya, oo nga masakit pero “Truth hurts for a while but Lies hurts forever” ika nga. Kaya umiyak ako di dahil sa sakit kundi dahil nalaman ko na minahal nya din ako kahit papaano. Siguro nga mahal nya na ang boyfriend niya ngayon, pero at least ngayon maluwag na ang loob ko na minsan pala sa buhay niya tinanggap at minahal niya din ako...alam kong darating din yung araw na ako naman ang sasaya.

3 comments:

  1. lagi mong iisipin na"lahat" ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay may kanya kanyang kadahilanan..yun nga lang bawat pang yayari ay kaya mong dalahin, pero kalimitan pilit tinatakasan ang mga iyon at ayaw harapin.ang pag katao ng isang tao ay nasasalamin sa kung sino man ang syang makakpag bigay sa iyo ng atensyon na gusto mong bagihin dahil sa napag daanan mo na at dinanas...walang masamang tao ang hindi nag sisi sa bandang huli........

    ReplyDelete
  2. Parang Ako rin un Nasa kwento dahil ganyn rin ako...naranasan ko rin yan...

    ReplyDelete
  3. Aking Pangalan ay mr Adan Raymond . Ay pag-ibig kong ibahagi ang aking patotoo sa lahat ng mga tao sa forum na ito Cos i kailanman naisip ay i magkaroon aking kasintahan pabalik at ibig sabihin niya kaya magkano sa akin .. batang babae Ang gusto i upang makakuha ng magpakasal ang natitira sa akin 4 linggo sa aming kasal para sa isa pang tao . , Kapag tinatawag i kanyang siya ay hindi kailanman sumagot sa aking tawag , tinanggal niya ako sa kanyang Facebook.when i napunta sa mga lugar sa kanya ng trabaho sinabi niya sa kanyang boss at lahat ng tao sa kanyang opisina na siya ay hindi kailanman nais na makita sa akin nawala .. i aking trabaho bilang isang resulta ng ito Cos hindi ako maaaring makakuha ng aking sarili ngayon , ang aking buhay ay baligtad at lahat ng bagay ay hindi pumunta makinis sa buhay ko ... Sinubukan ko ang lahat ng maaaring i gawin upang magkaroon ng kanyang likod , ngunit ang lahat hindi gumana ang out hanggang natugunan i isang Man kapag Maglakbay i upang Africa upang maisagawa ang ilang mga transaksyon ng negosyo , ay na- develop ng ilang taon na bumalik .. sinabi ko sa kanya ang aking mga problema at lahat na ang nakalipas sa pamamagitan ng sa pagkuha ng kanyang likod at kung paano i nawala ang aking trabaho .. . sinabi niya sa akin gonna siya tulungan ako ... hindi ako naniwala na sa unang lugar , ngunit swore siya ay siya makakatulong sa akin out at sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit iniwan sa akin ang aking girlfriend at din sinabi sa akin ang ilang mga nakatagong mga lihim . i noon ay nagtaka nang labis kapag narinig ko na mula sa kanya . sinabi niya siya ay magayuma para sa akin at i makita ang mga resulta sa susunod na ilang mga araw .. pagkatapos ay i maglakbay pabalik sa USA sa susunod na araw , na tinatawag na i siya kapag i got tahanan at sinabi niya siya ay abala paghahagis mga spells at siya ay bumili ng lahat ng mga materyales na kinakailangan para sa mga spells , sinabi niya am gonna makita ang positibong resulta sa susunod na 2 araw na ay Huwebes ... Aking kasintahan na tinatawag na sa akin sa eksaktong 12:35 sa Huwebes at pasensiya para sa lahat ng tapos na siya ay .. ang kanyang sinabi , hindi kailanman niya alam kung ano ang ginagawa niya at ng kanyang biglaang pag-uugali ay hindi intensyonal at ipinangako niya hindi na gawin muli iyon. ito ay tulad ng isang panaginip kapag narinig ko na mula sa kanya at kapag natapos na namin ang tawag , na tinatawag na i mga tao at sinabi sa kanya ang aking asawa na tinatawag at sinabi niya na hindi ako pa nakakita ng kahit ano ... sinabi niya i ay maaari ring makakuha ng aking trabaho pabalik sa 2 araw oras .. at kapag nito Sabado, tinatawag nila sa akin sa lugar na aking ng trabaho na dapat i ipagpatuloy ang trabaho sa Lunes at gonna nila matumbasan ako para sa mga limitasyon ng panahon na ginugol sa tahanan nang hindi nagsusumikap .. aking buhay ay pabalik sa hugis , mayroon i aking kasintahan likod at kami ay maligaya kasal na ngayon sa mga bata at mayroon i aking trabaho bumalik masyadong , ang tao na ito ay talagang malakas .. kung kami ay tulad siya hanggang sa 20 tao sa mundo , ang mundo ay naging isang mas mahusay na lugar . Siya ay nakatulong din ang marami sa aking mga kaibigan upang malutas ang maraming mga problema at ang mga ito ang lahat ng mga masaya ngayon . IDEYA pag-post ito sa forum para sa kahit sino na interesado sa nakakatugon sa mga tao para sa tulong . maaari mong ipadala sa koreo sa kanya sa ang e -mail ; priestebekosolutioncenter@yahoo.com i hindi maaaring mawala sa bigyan ang kanyang numero Cos Sinabi niya sa akin hindi niya gustong mai- maaabala sa pamamagitan ng maraming mga tao sa buong mundo .. sinabi niya ang kanyang email ay okay at siya 'ay tumugon sa anumang mga email sa lalong madaling panahon .. Umaasa siya nakatulong sa iyo out masyadong .. good luck kanyang email ; priestebekosolutioncenter@yahoo.com

    ReplyDelete