Monday, November 29, 2010

Patawad


May mga bagay na mahirap sabihin...
May mga salitang nais na lamang itago sa sarili,
Bakit ba napakahirap sabihin ang mga salita sa taong pinapahalagan mo ng sobra?
Yung simpleng salita na di mo mabanggit dahil sa natatakot kang makita ang reaksyon nang kanilang mga mukha.

Nais kong magpasalamat. Nais kong humingi ng tawad.
Nais kong ipakitang importante ka sa buhay ko pero...wala akong lakas.
Masaya akong nakilala kita, kahit na nung una ay di tayo masyadong magkasundo.
Akala ko isa ka lang sa mga taong dadating at mawawala. Pero bakit hinihintay kitang bumalik?
Gusto kong umiyak. Ngunit ang mga luha ko’y nakadikit sa pisnging ayaw magbigay.
Siguro nga’y hinubog na nang panahon ang mga sandaling ang luha ko ay muli na lang babagsak sa taong mahal ko. At hindi ikaw yun. Dahil di kita mahal...

Mahal ko ang mga kaibigan ko...pero iba ka. MAHALAGA ka sa akin. Tama nga siguro ang isa kong kaibigan ng minsan nyang banggitin ang katagang, “Maaring sabihin ng isang tao na mahal ka nila, ngunit kalian ka kaya nasabihan ng isang tao kung gaano ka kahalaga?”
Mahal kita bilang kaibigan ngunit ang halaga mo sa buhay ko ay iba...
Parang pakiramdam ko ikaw lang ang kailangan ko kapag nasa gitna ako ng panganib.
Maaring di ka maglaan ng oras lagi sa akin, pero ang makita ako at ang paghahangad mong magkita tayo kaagad ay iba.

Pinahalagahan mo ako sa paraan na kaya mong maipakita.
Binigay mo ang kaya mong maibigay upang makita ang ngiti sa aking mga labi.
Ang luha mo na nagsisilbing hudyat ng kagalakan ang siyang nagpupuno ng luha sa aking mga matang ayaw bumagsak.

Pasensya ka na kung di mo makita.
Pasensya na kung di ko masuklian sa ngayon ang mga bagay na binibigay mo.
Pasensya mahina ako para iparamdam sayo ang mga bagay na hinahangad ko para sa atin.
Pasensya na wala akong maibigay sayong mga bagay na magpapangiti sayo.
Kahit ang simpleng yakap ay pinagkait ko pa.
Ang simpleng salita ay di ko pa mabigkas.
Ang mga nasa isip ko ay kailangan pang dumaan sa pagsulat sa isang lugar na wala naman talagang nakakaintindi.
Pasensya na makasarili ako, manhid at mahina.

Patawad dahil itong salitang ito ay di ko pa masabi sayo.
Naramdaman ko ang lungkot sa iyong mga salita.
Ang hangin sa iyong bulong na minsan ng nagpangiti sa ating pagsasama.
Salamat sa’yo nabuo ang mga oras na akala ko wasak na.

Wala man akong maibigay sa’yo sa ngayon...asahan mong ako ang unang sasalo sa mga luha mo sa oras na ikaw naman ang nangailangan ng balikat para sandalan.
Manhid ako...oo inaamin ko. Pero kahit papaano, alam kong magpahalaga sa isang taong tulad mo.

Salamat...patawad.


Ddkted to my BESTEST Friend.
“sana lang alam mo kung sino ka...” -sinosidenz

2 comments:

  1. huwag kang matakot na ilahad ang iyong damdamin, tao ka lang na lahat ng emosyon na nararamdaman mo ay normal, may mga bagay sa stin at pagkakataon na ayaw mo pang mangyari at hindi pa panahon....nakikita ko na ayaw mo ng rejections. pero hayaan mo lang na dumaan sa buhay mo yun at malalaman mo ang sagot.

    ReplyDelete
  2. thanks... i know that pero siguro sa tamang panahon...

    ReplyDelete