Thursday, December 30, 2010

Nawawala...


Panibagong yugto nanaman ng buhay ko ang matatapos. Di ko man lang napansin ang takbo ng oras. Ngunit ang tanging napansin ko ay ang lungkot dala ng pagkawala, saya ng dahil sa kaibigan at pangungulila ng dahil sa minamahal.

Eto ako ngayon, mukhang masaya, pero sa kabila ng ngiti ay nagtatago ang takot na aking nadarama. Takot na di ko mapaliwanag kung saan naguugat. Napagiiwanan na nga ba ako ng panahon? Bakit ako ganito magisip? Sino na nga ba ako pagkatapos ng 24 na taon ko sa mundo? Nakakagulat na tinatanong ko ang lahat ng ito sa aking sarili...
May mga taong kilala akong masiyahin, palabiro at di kaseryo-seryoso sa buhay. Tama sila isa nga akong taong ayaw isipin ang mga problema, ayokong magisip ng mga bagay na ikakalungkot ko o ikakagalit ko... pero nalaman kong di pala ako ganon kagaling magtago ng isang kaisipang walang makakakita sa kabila ng maskarang suot ko sa tuwing ako’y tatawa o magbibiro...

Nababaliw na nga siguro ako para gawin ko tong talatang to... sa totoo lang wala din naman ako sa tamang kaisipan ng gawin ko tong BLOG ko na to eh... umaasa kasi akong may makikinig sa laman ng kaisipan kong di ko alam kung naiintindihan nga ba ng mga tao sa paligid ko. Naghahanap nga lang talaga ako ng mga taong makakaunawa sa kabaliwan kong to.

Sa tingin ko kasi ang bawat titik na aking binubuo para maging isang salita ay di sapat para maipahayag ko ang aking damdamin... ngunit sa kabilang banda... eh ano ngayon? Kung walang makaunawa? Ang isa kong personalidad bilang isang manunulat ang nagsasabi sa aking ilabas ko ang tinig ng aking isipan sa isang bagay na alam kong ako lamang ang nakakaunawa... ang mga tao sa paligid ko ay isa lamang estrangherong magbibigay ng opinion sa aking pagkatao ngunit ako pa din ang masusunod kung ano ang aking iisipin at gagawin...

Di man maniwala ang lahat sa pahayag kong ito pero iilang tao pa lamang ang nakakaalam kung sino talaga ako bilang ako sa haba ng panahon... maaring di nila lubusang kilala ang “AKO” ngunit sa kabilang banda ang ma-opinyong pagkatao ko ang nagsasabi kung sino talaga at kung anong klase ng salita ang tunay na kahulugan ng bawat letra at salitang lumalabas sa aking isipan. Ang seryosong bahagi ko ay nakikita lamang sa aking mga tunay na pinagkakatiwalaan, ang simpleng ngiti at bungisngis ng isang tao sa harap ko kapag ako ay nagbibitiw ng salita ay nagbibigay ng kahulugan kaagad sa akin na ang taong ito ay di kayang intindihin at sabayan ang aking pinaniniwalaan at di dapat pagaksayahan ng laway na tatalsik sa oras na akoy nagpapaliwanag. Ang kagaguhan ng mga tao minsan ang nagbibigay ng sariling kaisipan kung ano ang nakikita nila sa aking pagkatao. “What you see, is not what you get coz what you see is the representation of yourself mocked by yours truly” yan na siguro ang isa sa mga talent kong di alam ng ilan. Ako ay isa lamang ordinaryong tao. Ang mga salitang “REPLICA” at “sinosidenz” ay di lamang nabuo dahil sa wala, kundi ito ay isang pilosopiya at paniniwala ko na ang bawat kaharap kong tao ay dapat makita ang kanilang sarili sa aking pagkatao. Ako ay isa lamang ordinaryong taong nagbibigay ng opinion, ngunit ang opinion kong di nakikita ng iilan ay naiipapakita ko sa aking galaw, salita at pagiisip. Ang bawat tawa ko ay may kahulugan, ang bawat salita ko ay may ibig sabihin. Di ako propesyonal sa pagiisip, ngunit tulad ng iilang pilosopo ako ay may sarili ring paniniwala sa buhay. Ang mga taong nakapansin sa aking natatanging talento ay masasabi kong totoong tao. Ang mga taong di man lang napansin ang kabilang bahagi ko ay di man lang nakita ang kakapiranggot ng aking pagkatao. Magulo ang isip ko minsan, ang mga salita sa aking isipan ay minsan nakakalat lamang. Ang pagdampot ko sa mga salitang iyon ang nagbibigay sa aking ng ideya upang isulat at ipaalam ang mga bagay bagay sa mga taong matyagang nakikinig sa aking hinaing. Di ako perpekto, di ako manunulat na kakalkalin ang inyong isipan upang ipakita ang nais nyo lang makita. Isa akong manunulat ng kung ano ang nakikita ko at kung ano ang totoo. Kaibigan akong maituturing ng ilan ngunit lason din akong maaring pumatay sa mga taong nais akong tapakan. Kung ano ka sa harap ko ay madaragdagan pa yan ng mas malaking bahagi pagkaharap mo ako... kaya kung ano ang nais mong makita yun ang ipakita mo.

Tipikal ang aking pagkatao. Ang pilosopiya ko ay maari mong sang ayunan o hindi ngunit ang paniniwala ko ay di mo maaring palitan. Sino nga ba si DENZ? Ano nga ba ako sa buhay mo? Bakit nga ba ang drama ko ay maaring drama din ng iyong kaisipan? Bakit marami akong nalalaman sa isang pagkataong di ko man pa nakikilatis ngunit tumatama? Bakit? Dahil ang bawat salitang iyong minumutawi ay isang bahagi ng iyong pagtaong aking nakikita na di mo napapansin.

Ikaw kailan mo nga kaya ako makikilala?

3 comments:

  1. Ang buhay ng tao ay simple lang kain, tulog, trabaho sa mga walang trabaho kain, tulog pero may mga taong na sadyang hindi mapakali sa kabila ng malilikot na mga isipan. may mga taong ginagawang komplikado ang simpleng bagay, bakit? kasi gusto nilang malaman,maramdaman,maranasan ang pakiramdam na kakaiba.sa kabila ng takbo ng iyong pag iisip marahil ilang tao lang ang kayang unawain ang mga ibig mong iparating, sa buhay mo na nagdaan mga pang yayaring mananatiling andun kahit anung limot mong gawin ay naroon parin..maganda man yun o pangit..kasi sa pang yayari yun dun ka natuto namulat sa mga bagay na hindi mo pa alam at nararanasan. maraming uri ng pagka tao isa ka lang sa may mga katangian na "kakaiba"? bakit kamo? kasi ang naarok ng iyong isipan ay hindi kayang unawain ng ibang tao, bagaman marami kang gustong iparating sa mga taong makakabasa ng lahat ng iyong ginawa yun ay parte ng iyong pagkatao, na kung saan sa kabila ng maskarang iyong soot iyan ang tunay mong pag katao, hindi lang nila basa na kung "sinosidenz",madaming bagay akong nalaman sa buhay mo andun ang saya, pagkabigo at tagumpay, ngunit nararamdaman kong sa kabila ng lahat ay nag hahanap ka padin ng bagay na kukumpleto sa pag katao mo, siguro ikaw na ang makakasagot nun. walang taong perpekto, kahit na may taong "perfectionist" isa ako doon.nakikita ko ang gusto mong mang yari,marahil sa komento kong ito hindi ko maiiwasang may mag react, magtanong sa aking pag katao sa kabila ng aking pananaw, kung sino kaman malaya kang maihahayang ang iyong saloobin....salamat sa iyo kasi ang hindi nakikita ng iba ay pilit mong ipinamumulat sa mga matang ayaw imulat sa pangyayaring nagaganap sa isang katauhan.hindi man gaanong napapansin ang mga ginawa mo pero darating din yung panahon at unti unting mapapansin nila at mauunawaan ang nais mong ipabatid sa kanila. sa ngayon sarado pa ang kanilang mga isipan, sana ngalang eh.hindi pa huli ang lahaaaaaaaaaaaat.....

    dee_

    ReplyDelete
  2. Ang lahat ng ngyayare ay may dahilan. Nbbuhay tau pra mglakbay, pra hanapin ung taong magmamahal sten ng tunay, at makakasama nten Sa hbang buhay. Pakingan at tugtog bgo tau sumayaw. Ang lahat ay nka plano at nkatakda. Tulad ko ngaun, nbigla aq sa mga pangyayare. Ngmahal ng totoo at sobra sobra. Ngtiwala at naniwala sa isang tao. Isang taon hnd ko rin nmalayan ang pglipas ng panahon, ang pgdaan ng bawat oras, araw at buwan.Msyado aq ngpka kampante sa kng anong meron at hawak ko. Masakit sobrang sakit. Isa lng din aq simpleng babae, solong ina na nghhanap din ng taong mttanggap aq, mamahalin, irrespeto at higit sa lahat mkkasama sa pagtanda. Pro wla e. Skin pa ang sisi. Keso ksalanan ko kc umasa aq. Hindi nla alam kng gano kasakit ang umasa at paasahin ng taong mahal na mhal mo. Mnsan ayaw muna mgkwento sa iba, sa mga kaibigan, mga kaptid. Kasi hbang binibigkas mo ung mga katagang un mas lalong tumitinde ung sakit. Mas kailangan nlng manahimik at umiyak. Mgdasal na sna isang umaga mawala na lahat ng sakit. May awa ang dyos, lahat pinapaubaya ko sa panginoon. Ganun tlga cguro ang buhay. Pro kng bbigyan aq ng isang kahilingan, un ay SNA WALA NLANG NSSAKTAN��

    ReplyDelete