Paganahin ang imahinasyon sa munting salita na likas ng gumuguhit sa ating kamalayan... hayaang kalabitin ng mga letra ko ang inyong isipan tungo sa makamundong pananaw sa buhay ng mga taong pinilit maging ordinaryo sa kabila ng masukal na mundo ng pagnanasa, kasakiman at kasalanan.
Monday, January 18, 2010
Wala
Sa kaunting lakad ng mga kamay ng orasan…
Pinapatay ang oras dito sa lamesang nakapaloob
Sa malungkot na musika
Nagpapaalala sa mga kabanata
Ginugunita…
Inaalala…
Sa paglipas ng oras, napansin ang pagbabago.
Sa mga taong nasa paligid, ang sarili’y di na itago.
Mahirap basta na lamang magpaalam,
Lalo na kung di bukal sa loob ang paglisan…
Ngunit ang takbo ng panahon ay di napipigilan…
Di naiiwasan…
Sa bawat hakbang palayo sa espasyo ng kasiyahan,
Ay ang paghakbang sa lugar ng kawalan.
Sarado ang mga pinto…
Walang tao…
Muling maghahanap…
Masisilayan…
Makakatagpo…
Mawawari…
Magsisimula…at muling matatapos.
Magbabalik…sa wala.
Den[z]cio
February 14, 2009
4:10pm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment